COVID-19 Update: Bilang ng namatay sa Australia dahil sa COVID-19, pumalo na sa 56

Narito ang pinakabagong Coronavirus update sa Australia ngayong 24 Enero 2022.

Australian Health Minister Greg Hunt speaks via video link to the media during a press conference at Parliament House in Canberra

Australian Health Minister Greg Hunt speaks via video link to the media during a press conference at Parliament House in Canberra. Source: AAP

  • Naabot na umano ang 'peak' ng Omicron wave sa ilang lugar kung saan maraming mga kaso ng COVID-19, Iyan ang pahayag ni federal health minister Greg Hunt, matapos pumalo sa 56 ang bilang ng mga namatay sa bansa dahil sa COVID-19.
  • Simula ngayong araw, makakakuha na ng libreng rapid antigen test kits ang mga concession holders. Aabot sa anim na milyon ang makakatanggap nito, kabilang ang mga nakakakuha ng pensyon, mga beterano, at mga may mababang kita. At makakakuha ang mga ito ng hanggang 10 libreng test sa mga botika sa loob ng tatlong buwan. 
  • Patuloy pa rin ang batikos sa pederal na gobyerno kaugnay sa kakaulangan ng supply ng RAT kit sa bansa. Pero ayon sa ministro ng pangkalusugan,  asahan ang pagadating ng 16 milyong rapid antigen test simula ngayon hanggang HUlyo.
  • Kasado ang paggamit ng bagong bakuna na Novavax sa Australia. At inaasahan ang roll out nito sa darating na Pebrero 21. 
  • Maaaring makakuha ng pangalawang dose ng Novavax pagkatapos ng tatlong linggo.
  • Tumaas na naman ang bilang ng naospital sa NSW dahil sa COVID-19. Ngayong araw, umabot na sa 2,816 ang bilang kumpara sa 2,712 na naitala kahapon. Samantala, bumaba naman sa 998 ang bilang sa Victoria, kumpara sa 1,002 na naitala nitong Linggo, habang umabot naman sa 863 ang naitala sa Queensland.
  • Iaanunsyo naman ng Queensland ang plano sa pagbabalik-eskwela ngayong linggo. 
  • Simula ngayong araw, pwede na magpa-book ng booster shot ang mga residente na nakakuha ng pangalwang dose noong nakaraang tatlong buwan. 
Covid-19 Stats

Sa NSW, umabot na sa 2,816 ang mga pasyenteng dinala sa ospital dahil sa COVID-19. 196 dito ay nasa intensive care, 24 ang namatay, at 15,091 naman ang naitalang bagong kaso. 

Sa Victoria, umabot sa 998 ang bilang ng naospital, 17 ang naiulat na namatay at 11,695 ang naitalang bagong kaso - mas mababa sa naitala nitong Linggo na 13,091 na kaso. 

Sa Queensland, umabot sa 878 ang bilang ng naospital dahil sa COVID-19 kabilang dito ang 50 na nasa intensive care, 13 ang namatay, at 10,212 naman ang naitalang panibagong kaso.

Sa Tasmania, umabot naman sa 41 ang dinala sa ospital, 619 ang naitalang panibagong kaso at isa ang namatay dahil sa COVID-19. 


Quarantine at resktrikyon sa bawat estado

Pagbyahe

Mga dapat alamin kung ikaw ay  at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa 

Tulong pinansyal

Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: .


Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share
Published 24 January 2022 3:45pm
Presented by Roda Masinag


Share this with family and friends