COVID-19 Update: Pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19, naitala ngayong araw sa Australia matapos sumipa ang bilang ng kaso coronavirus sa NSW

Narito ang mga pinakahuling Coronavirus update sa Australia ngayong 16 Disyembre 2021.

90% des 16 ans et plus sont totalement vaccinés en Australie.

Source: AAP Image/Bianca De Marchi

  • Pinakamataas na kaso ng COVID-19 simula nang mag-umpisa ang pandemya sa Australia, naitala  ngayong araw
  • Nagtala din ng pinakamataas na bilang ng kaso ng coronavirus ang NSW ngayong araw at isa sa tatlong kaso ay naitala sa Hunter New England region
  • Isa na namang pub sa Newcastle ang natukoy na exposure site ng NSW Health at mananatiling sarado ito sa publiko
  • Paalala ni Queensland Health Minster Yvette D'ath sa mga residente, huwag magpakakampante at gawin ang nararapat ngayong patuloy na tumataas ang COVID-19 outbreak sa estado. 
  • Australian cricket captain Pat Cummins, hindi makakapaglaro sa Adelaide Test matapos syang matukoy na close contact.
  • 90 percent double vaccination rate, naabot na ng New Zealand
COVID-19 Stats

Nagtala ng 1,622 na panibagong kaso ang Victoria at siyam ang namatay.

Sa NSW, may naitalang 1,742 na panibagong community cases.

May naitalang 22 bagong kaso ang Queensland at 18 sa mga kaso ay di galing sa ibang bansa.

Nagtala naman ng 11 kaso ang ACT habang ang Tasmania, may isang bagong kasong naitala. 


Quarantine at resktrikyon sa bawat estado

Pagbyahe

Mga dapat alamin kung ikaw ay  at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa 

Tulong pinansyal

Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: .


Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 
 

 


Share
Published 16 December 2021 3:15pm
By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends