- Umabot na sa 68 ang kabuuang bilang ng namatay sa NSW, Victoria, Queensland, ACT, at Tasmania.
- Mula 2,068, bumaba ang bilang ng mga pasyente sa mga ospital sa NSW sa 1,906. 132 sa mga ito ay nasa ICU, na halos kapareho ang bilang kahapon pero mas mababa sa naitalang 137 noong Lunes.
- Tinutulan ni federal tourism minister Dan Tehan ang plano sana ng Victoria na papapasukin lamang ang mga turistang nakakuha na ng ikatlong bakuna, bago magbukas ang international border ng bansa sa Pebrero 21.
- Ayon kay Tehan, pare-pareho dapat ang mga ipapatupad na patakaran sa lahat ng estado at teritoryo, kapag naibalik na ang pagtanggap ng mga byahero mula ibang bansa.
- Nagpahaging na si Victorian Premier Daniel Andrews noong Martes, na malamang na kakailanganin ng ikatlong dose ng bakuna ang mga turistang papasok sa estado, katulad ng ipinatupad sa mga residente ng estado para makapasok sa mga hospitality venues at makadalo sa mga malalaking kaganapan.
- Di maipinta ang tuwa na naramdaman ni Quennsland Premier Annastacia Palaszczuk, matapos maabot ng estado ang 90 porsyentong double dose vaccination target para sa mga may edad 16 pataas.
- Nagtala ang Queensland ng pinakamataas na bilang ng namatay dahil sa COVID-19, kung saan umabot sa 24 ang nasawi ngayong araw.
Covid-19 Stats:
Sa NSW, 1,906 ang dinala sa ospital dahil sa COVID-19, 132 ang nasa intensive care, 20 ang naiulat na namatay, at nagtala ang estado ng 10,312 na panibagong kaso.
Sa Victoria, 542 ang naospital dahil sa virus, 71 ang nasa ICU, 21 ang namatay at nagtala ng estado ng 9,908 na panibagong kaso.
Sa Queensland, 686 ang nasa ospital, 44 ang nasa intensive care, 24 ang namatay, at 6,902 ang naitalang panibagong kaso.
Sa Tasmania, 10 ang naospital, 574 ang naitalang panibagong kaso, at dalawa ang namatay.
Isa ang namatay sa ACT, at 475 ang naitalang panibagong kaso, kasama dito ang 54 na naospital dahil sa virus at may isang nasa ICU na nangangailangan ng ventilator.
RAT registration forms ng iba't-ibang estado at teritoryo
Quarantine at resktrikyon sa bawat estado
Pagbyahe
Mga dapat alamin kung ikaw ay at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa
Tulong pinansyal
Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: .
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo: