- Naantala ang inaasahang pagbubukas ng international border ng Australia para sa mga skilled workers at estudyanteng galing sa ibang bansa, kabilang din ang mga may hawak na humanitarian, working holiday maker at provisional family visas. Sa halip na Disyembre 1, papayagan lang sila makapasok sa bansa sa Disyembre 15.
- Ayon kay Federal Health Minister Greg Hunt, ibabatay ng gobyerno sa medical advice ang anumang desisyon sa mga ipapatupad na pagbabago
- Suportado ng oposisyon ang desisyon ng gobyerno na ipagpaliban ang nakatakda sanang muling pagbubukas ng international border ng bansa.
- Magkakaroon ng pagpupulong ang National Cabinet ngayong araw para talakayin ang mga susunod na hakbang sa pagtugon ng gobyerno sa banta ng Omicron variant.
- Sa ngayon, may naitalang anim na kumpirmadong kaso ng Omicron variant sa Australia
- Deadline para sa mandatory vaccination sa Western Australia, nalalapit na
- Mga nagtatrabaho sa Queensland na kabilang sa high-risk settings, obligado nang magpabakuna simula Disyembre 17.
COVID-19 STATS
Victoria: Nagtala ng 918 na panibagong kaso at anim ang naiulat na namatay.
NSW: Nagtala ng 179 na bagong comminity cases at tatlo ang namatay.
Quarantine at resktrikyon sa bawat estado
Pagbyahe
Mga dapat alamin kung ikaw ay at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa
Tulong pinansyal
narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: .
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo: