COVID-19 Update: Mga visa holders na may kumpletong bakuna, papayagan nang makapasok sa Australia simula Disyembre

Narito ang pinakahuling Coronavirus update sa Australia ngayong Nobyembre 22, 2021.

Passengers on a Singapore Airlines flight arrive at Melbourne International Airport in Melbourne, Sunday, November 21, 2021.

Passengers on a Singapore Airlines flight arrive at Melbourne International Airport in Melbourne, Sunday, November 21, 2021. Source: AAP

Simula Disyembre 1, papayagan nang makapasok sa Australia ang mga visa holders na may kumpleto na ang bakuna at hindi na kakailanganing mag-apply ng travel exemption.

Kasama sa mga ang mga skilled workers, international students, temporary working holiday makers, mga refugee, at mga may hawak na humanitarian o provisional visa. Para makapasok sa bansa, dapat ay kumpleto na ang kanilang bakuna at kakailanganin ding maghanda ng katunayan na nakakuha na ng bakuna. Hihingan din ng negatibong PCR test na nakuha sa loob ng tatlong araw bago ng pag-alis sa pinagmulang bansa. 

Ayon kay Punong Ministro Morrison, ito'y magandang senyales ng muling pagbangon ng ekonomiya ng bansa at pagbabalik sa mga dating gawain. 

"The return of skilled workers and students to Australia is a major milestone in our pathway back. It'll mean a lot for the economies of our country, right around the country who need those workers and want to see those students return. And so we're looking forward to that occurring, we have done this in an orderly way."

Simula Disyembre 1, papayagan na ding makapasok sa bansa at hindi na nila kakailanganing mag-quarantine ang mga mamamayan ng Japan at South Korea na may kumpleto ng bakuna. 

COVID STATISTICS

Victoria: Nagtala ng 1029 na panibagong kaso at tatlo ang namatay

NSW: Nagtala ng 180 na panibagong kaso at isa ang namatay

NT: May dalawang panibagong kaso na naitala ngayong araw. At Lockdown sa Katherine, magtatagal pa hanggang alas-sais ng gabi ng Miyerkules, 24 Nobyembre.


Quarantine at resktrikyon sa bawat estado

Pagbyahe

Mga dapat alamin kung ikaw ay at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa

Tulong pinansyal

narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: .


 

Isinalin sa inyong wika, .

 

Isinalin sa inyong wika .

 



 

Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 

 
 
 

 

 


Share
Published 22 November 2021 3:02pm
Updated 22 November 2021 4:05pm
By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends