- Booster shots, pwede nang makakuha sa mga botika simula Nobyembre 8
- Victoria, nagtala ng pinakamataas na bilang ng namatay ngayong araw
- At sa Queensland, 150 pulis nasuspinde sa trabaho dahil sa mandato ng estado sa pagbabakuna
Victoria
Nagtala ng pinakamataas na bilang ng namatay ngayong araw ang estado ng Victoria. Sa ngayon, umabot sa 1,923 ang naitalang kaso ng COVID-19 at 25 ang namatay.
Congratulations, Victoria! We’re well on our way to reaching our 80% fully vaccinated milestone. This momentous achievement means a further easing of restrictions to get back to doing the things we love. Get vaccinated as soon as you can. pic.twitter.com/L6dTp404oa — VicGovDH (@VicGovDH) October 27, 2021
Naghatid naman ng pakikiramay si Punong Ministro Scott Morrison sa mga kapamilya ng mga nasawi.
Para naman sa mga nais mag-claim ng exemption para sa bakuna kontra COVID-19, kinakailangan nang magpakita ng kopya ng kanilang Australian Immunisation Register bilang katunayan, ayon sa Victoria Health.
New South Wales
Nagtala ng 293 na panibagong kaso ng COVID-19 ang estado at dalawa ang naiulat na namatay. Labinlima sa mga ito ay konektado sa City Gym outbreak sa Darlinghurst.
Kinakailangang magpa test at mag-self-isolate ang sinumang nagpunta sa nasabing gym nitong Oktubre 18, Oktubre 23 at Oktubre 25, hanggang makakuha ng negatibong resulta.
Samantala, simula ngayong Byernes, makakatanggap na ng push notification ang mga gumagamit ng Service NSW app kung may napuntuhan silang exposure site.
Queensland
Nasuspinde sa trabaho ang 150 pulis dahil hindi umano sila nakapagpabakuna bago ang deadline sa kanila na Oktubre 4.
Walang bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa estado.
Iba pang kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia
- Pfizer vaccine, pwede nang makabili sa mga botika simula Nobyembre 8
- ACT, nagtala ng walong bagong kaso ng coronavirus
- 75 per cent ng mga Australyano, bakunado na, ayon kay Punong Ministro Scott Morrison
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: