- Pamahalaang Pederal inilabas ang bagong programa ng pagbabakuna para sa mga First Australians
- Queensland magkakaroon ng mga pop up vaccination clinics sa mga tabing-dagat
- Victoria inilatag ang roadmap nito para sa pagbubukas ng estado kapag naabot ang 90 porsyento na bakunado
Victoria
Victoria inaasahang maabot ang 80 porsyento na target na mabakunahan sa susunod na katapusan ng linggo. Sisimulan ang dagdag na kalayaan sa pagkilos sa buong estado mula Biyernes, Oktubre 29.
Ani Premier Daniel Andrews, inaasahang ganap na mabakunahan ang 90 porsyento ng populasyon ng Victoria na higit 12 anyos pagsapit ng Nobyembre 24.
Aniya, wala nang magiging limitasyon sa bilang ng mga tao na pwedeng magtipon. "What that means, there will be no caps anywhere, there will be no density questions anywhere."
https://twitter.com/DanielAndrewsMP/status/1452069313477689345?ref_src=twsrc%5Etfw
Ganunpaman, kailangan pa ring ipakita ang patunay ng full vaccination.
Mananatili aniya ang ekonomiya na batay sa antas ng mga bakunado. "The vaccinated economy is here to stay," anang Premier.
Naitala ng estado ang 1,935 na panibagong lokal na kaso ng coronavirus at 11 pagkamatay.
New South Wales
New South Wales nakapagtala ng 296 na panibagong lokal na kaso ng COVID-19 at apat na pagkamatay.
Ganap nang bakunado ang mahigit 84 porsyento ng populasyon na higit 16 anyos sa estado.
Isang bagong kampanya ang inilunsad ng pamahalaang estado. Tinawag itong 'Feel New South Wales' hangad na mapasigla ang turismo kasunod ng muling pagbubukas ng estado,
Queensland
Queensland walang naitalang bagong kaso ngayong araw.
Nakikiapagtulungan ang gobyerno sa Surf Lifesaving Queensland para sa pagpapatayo ng mga pop-up vaccination clinics sa mga tabing-dagat sa mga darating na mahabang weekend.
Iba pang kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia
- ACT nakapagtala ng 9 na bagong kaso ng coronavirus.
- Pamahalaang Pederal inilabas ang bagong kampanya para sa pagbabakuna, ang 'Spread Freedom'. Sinimulan din ang kampanya na naka-pokus sa mga Indigenous community, tinawag na 'All of Us' sa gitna ng mga pangamba na mababa ang bilang ng mga bakunado sa hanay ng mga First Australians.
- 86 per cent ng mga Australians naturukan na ng unang dosis ng bakuna kontra COVID-19 habang nananatili naman ito sa 60 per cent para sa mga First Australians.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: