COVID-19 Update: ATAGI pinag-iisipang muli ang booster interval dahil sa tumataas pang mga kaso

Ito ang pinakabagong update sa Coronavirus sa Australya para sa 21 Disyembre 2021.

eople are seen at a Cohealth pop-up vaccination clinic at the State Library Victoria

States say they will utilise the extraordinary cabinet meeting to urge Commonwealth to shorten booster time intervals. Source: AAP

  • Ayon kay Prime Minister Scott Morrison, pinag-iisipan muli ng ATAGI kung babaguhin nito ang booster time interval habang isusulong ang cabinet meeting dahil sa mga bagong impeksyon.
  • Hinihimok ng ilang state leaders ang Commonwealth na iklian ang booster time interval upang malabanan ang mga bagong impeksyon.
  • Saad ng NSW Health na maging maingat ang mga close contacts dahil sa record-high infections sa estado.

  • Idineklara ng Queensland na Omicron ang dominant variant sa estado.
  • Kinakailangang mag-quarantine ng pitong araw lamang at hind 14 ang mga double-dosed close contacts sa Queensland, mula bukas, 22 Disyembre.
  • Wala ng testing sa South Australia para sa interstate travellers na nag-test ng COVID-19, 72 oras bago sila lumakbay.
  • Dinelay ng New Zealand ang kanilang reopening plans hanggang February dahil sa Omicron.
 

COVID-19 STATS: 

May 1,245 na recorded locally acquired na kaso at anim na namatay sa Victoria.
May 3,057 na recorded na bagong community cases at dalawang namatay sa NSW.
May 154 na bagong kaso sa South Australia.
May 86 na bagong kaso sa Queensland.
May 16 na kaso sa ACT, 14 sa Northern Territory at apat sa Tasmania.

Para sa mga kasalukuyang pag-responde sa COVID-19 pandemic sa iyong wika, bumisita 



Quarantine and restriksyon kada estado:

Travel

Pampinansyal na tulong

May mga pagbabago sa COVID-19 Disaster Payment kapag umabot ang estado ng 70 at 80 per cent fully vaccinated:  



 


 





Bisitahin ang mga translated resources na published ng NSW Multicultural Health Communication Service:


Testing clinics sa bawat estado't teritoryo:

 
 

 


Share
Published 21 December 2021 2:13pm
Updated 21 December 2021 2:22pm
By SBS/ALC Content
Source: SBS


Share this with family and friends