- Nagtala ng 37,994 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Victoria, habang umabot naman sa 25,870 ang naitalang mga kaso sa NSW
- Sa Victoria, 861 na ang bilang ng na-ospital dahil sa COVID-19. 117 sa mga ito ay nasa ICU at 27 ang nangailangan ng ventilator.
- Nagpamigay ng 34,000 na libreng rapid antigen tests sa 56 na testing clinics sa Victoria, ayon kay Premier Daniel Andrews
- Umabot naman sa 3,992 ang bilang ng mga nagtatrabaho sa ospital at staff ng Ambulance Victoria ang kinailangang mag-isolate dahil nagpositibo sa virus o natukoy na close contact.
- Inanunsyo din ng Premier na naglaan ang estado ng 4 milyong dolyar na pondo para makatulong sa mga GP at commuty pharmacies na makapunta sa mga paaralan para makapagbigay ng bakuna.
- Sa New South Wales, umabot sa 2,186 katao ang dinala sa ospital dahil sa virus. 170 dito ay kasalukuyang nasa ICU.
- Mataas na antas ng T-cells na matatagpuan sa common cold coronavirus, napag-alamang nagbibigay umano ito ng dagdag na proteksyon laban sa virus, ayon sa pag-aaral ng Imperial College London.
- Ayon sa bagong survey ng health Survices Union na pinasagutan sa 1000 aged care workers, problema pa rin ang understaffing at pagkakaroon ng mas mabigat na workload.
- Nagpahatid naman ng sulat ang kalihim ng Australian Council of Trade Unions kay Punong Ministro Scott Morrison at ipinaabot nito ang listahan ng mga pangangailangan ng mga manggawang na-apektuhan ng pandemya at nagbigay ng babala na malaki ang naging epekto ng "unofficial lockdown" sa mga manggagawa.
- Plano naman ng gobyerno ng NSW na gawing mandato ang pagre-report ng positibong resulta ng rapid antigen tests. Ayon sa pmahalaan, makakatulong ito para mapag-aralan at matutukan ang pagkalat ng virus.
- Nangangamba naman ang mga awtoridad sa posibleng outbreak sa Villawood detention centre sa Sydney habang kinikwestyon ng mga refugee advocate kung bakit hinahayaang maharap sa high-risk environment ang mga nadedetina dito.
RAT registration forms ng iba't-ibang estado at teritoryo
Covid-19 Stats:
Nagtala ang NSW ng 25,870 na panibang kaso mula sa PCR tests at 11 ang namatay. Sa ngayon, balak pa lang simulan ng estado ang paglalabas ng resulta mula sa rapid antigen tests.
Nagtala naman ang Victoria ng 37,994 na panibagong kaso at 13 ang namatay, 18,503 sa mga ito ay galing sa rapid antigen tests.
Sa Queensland, nagtala ng 25,870 na panibagong kaso ang estado at isa ang namatay, kasama sa bilang na ito ang mga nakuhang resulta gamit ang PCR test at rapid antigen tests na isinumite ng mga residente.
Nagtala naman ang Tasmania ng 1,379 na panibagong kaso.
Quarantine at resktrikyon sa bawat estado
Pagbyahe
Mga dapat alamin kung ikaw ay at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa
Tulong pinansyal
Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: .
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo: