- Haharap sa Senado si Aged Care minister Richard Colbeck kaugnay sa naging tugon ng gobyerno sa pandemya. Inaasahang kekwestyunin ang ministro tungkol sa kakulangan ng RAT at PPE, pati na rin ang naatalang vaccine booster program.
- Umabot sa 566 ang namatay sa agaed care facilities sa kasagsagan ng COVID-19 outbreak.
- Sa ngayon, may naitalang 11,000 kaso ng COVID-19 sa mga residente ng aged care sa New South Wales, at isa sa sampung residente lamang ang nakatanggap ng booster shot.
- Binatikos din ang Punong Ministro Scott Morrison sa pagtugon ng gobyerno sa kasalukuyang krisis. Aminado ito sa kanyang mga pagkakamali, pero hindi ito humihingi ng paumanhin.
- Nagbigay ng babala ang Therapeutic Goods Administration na iwasang kumain, uminom, manigarilyo, magsipilyo ng ngipin o ngumuya ng chewing gum 10-30 minuto bago kumuha ng sample para sa rapid antigen test, dahil maaari umano makaapekto ito sa resultang makukuha.
- Ibabalik na ang mga elective surgeries sa South Australia at New South Wales, simula sa susunod na linggo matapos ipatigil ito dahil sa Omicron outbreak.
- Samantala, sa Victoria uumpisahan na susunod na linggo ang mga non-urgent elective surgery, pero tinututulan ng mga nurse ang pagbabalik nito.
- Sasailalim sa dalawang araw na lockdown ang Tonga, matapos matukoy ang dalawang nagpositibo sa COVID-19. Ang pinakahuling kaso na naiulat ay noon pang Oktubre noong nakaraang taon. Hindi umano konektado ang mga kaso sa mga naghatid ng tulong mula Australia.
COVID-19 Stats
Sa NSW, 2,622 ang pasyenteng nasa ospital dahil sa COVID-19, 170 dito ay nasa intensive care, 27 ang namatay at 11,807 ang naitalang panibagong kaso ngayong araw.
Sa Victoria, 768 ang nasa ospital dahil sa COVID-19, 99 dito ay nasa intensive care, 25 ang namatay at 14,553 ang naitalang panibagong kaso ngayong araw.
Sa Queensland, 763 ang naospital, 49 ang nasa ICU, 16 ang namatay at 9,630 ang naitalang panibagong kaso ngayong araw.
Nagtala ang Tasmania ng 666 na panibagong kaso, 13 ang naospital, dalawa ang nasa ICU at walang naiulat na namatay.
Sa South Australia, isa ang naiulat na namatay, 233 ang nasa ospital, 21 ang nasa ICU at 1,723 ang naitalang panibagong kaso.
RAT registration forms ng iba't-ibang estado at teritoryo
Quarantine at resktrikyon sa bawat estado
Pagbyahe
Mga dapat alamin kung ikaw ay at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa
Tulong pinansyal
Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: .
- News and information over 60 languages at
- Relevant guidelines for your state or territory: , , , , , , .
- Information about the .