- 93 na ang naitalang namatay dahil sa COVID-19 sa Australia. Ito na umano ang pinakamataas na bilang na naitala mula nang mag-umpisa ang pandemya.
- Nakakuha na ng provisional approval ang Pfizer vaccine booster shot para sa mga kabataang may edad 16 at 17.
- Pinag-aaralan ngayon ng mga eksperto kung kailangan ba baguhin ang depinisyon ng pagkakaroon ng kumpletong bakuna kontra COVID-19, matapos ang panawagan ng publiko sa mga politiko sa Victoria at NSW.
- Nanawagan ang grupo ng Indigenous community sa Northern Territory, sa pamamagitan ng pagsulat sa Chief Minister, na magpatupad ng agarang lockdown sa buong central Australia para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
- Iniulat ng mga estado at teritoryo sa isanagawang pagpupulong ng Pambansang Gabinete kahapon na unti-unti nang nababawasan ang pressure sa mga ospital at bumbaba na din ang bilang ng mga na-aadmit sa ICU.
- Kasado na ang plano sa pagbabalik-eskwela ng mga bata sa mga estado. Sa NSW, inaaasahang babalik na ang mga bata sa mga paaaralan sa susunod na linggo. Kasabay nito, nakahanda na rin ang mga gagamiting rapid antigen tests, pati na rin ang mga bagong bus at train services.
- Samantala, sa Victoria, dumating na ang 2 milyong rapid antigen tests sa mga paaralan, kabilang ang Catholic at independent schools. Sa kabuuan, anim na milyon ang inaasahang ma-deliver bago magbukas ang mga paaaralan.
- Sa Queensland, nakaantabay pa rin ang mga magulang, guro, at mga estudyante sa plano ng gobyerno sa pagbabalik-eskwela.
- Naitala sa Queensland ang pinakamataas na bilang ng namatay. 18 ang namatay dahil sa COVID-19 sa estado, at 12 dito ay nasa aged care facilities.
- Batay sa modelling na isinagawa ng NSW, inaasahang bababa pa ang bilang ng mga naoospital sa susunod na linggo.
COVID-19 Stats
Sa NSW, 35 ang nailat na namatay dahil sa COVID-19, 2,737 ang nasa ospital at 189 ang nasa ICU. 13,333 na panibagong kaso ang naitala ngayong araw.
Sa Victoria, 39 ang namatay dahil sa virus, 988 ang nadala sa ospital at 114 ang kasalukuyang nasa ICU. 12,755 naman ang bilang ng panibagong kaso na naitala sa estado.
Sa Queensland, 818 ang dinala sa ospital dahil sa COVID-19 at 54 sa mga ito ay nasa intensive care. Nagtala ng 9,974 na panibagong kaso ang estado at 18 ang namatay.
Sa Tasmania, nagtala ng 584 na panibagong kaso ang estado, pinakamababang naitala mula noong Enero 3. 19 ang dinala sa ospital at isa ang nasa intensive care.
RAT registration forms ng iba't-ibang estado at teritoryo
Quarantine at resktrikyon sa bawat estado
Pagbyahe
Mga dapat alamin kung ikaw ay at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa
Tulong pinansyal
Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: .
- News and information over 60 languages at
- Relevant guidelines for your state or territory: , , , , , , .
- Information about the .