Noong Biyernes, mayroong naiulat na 58 na katao ang namatay bunga ng COVID-19, kasama ang 25 sa Victoria, 15 sa New South Wales at 10 sa Queensland.
Alamin ang pinaka huling COVID-19 trends para sa bagong kaso, mga na-ospital at namatay sa Australya .
Sa pinaka huling mula Australian Bureau of Statistics noong Biyernes nakita na isa sa bawat limang Australyano (o 4.2 milyon) ang nakaranas ng mental health disorder noong 2020-21.
Sa 4.2 milyong katao, 3.3 milyong katao ang nag-report ng anxiety disorder, kabilang dito ang mga nararamdamang tensiyon, pagkabahala o nerbiyos. Ang mga kababaihan ay nakaranas ng mas mataas na antas na anxiety disorder kung ihahambing sa mga kalalakihan.
Nakita sa pag-aaral na 3.4 milyong Australyano ang humingi ng tulong mula sa health care professional para sa kanilang mental health noong 2020-21.
Noong Biyernes inilunsad ng pamahalaang pederal ang panibagong advertising campaign upang i-promote ang COVID-19 antiviral treatment.
Sinabi ni Ministro para Kalusugan Mark Butler na ang oral antiviral treatments ay nagbibigay ng mahalagang tulong upang labanan ang virus.
Sinabi ng COVID-19 Technical Lead ng The World Health Organization, Dr Maria Van Kerkhove, ang BA.4 at BA.5 ang pinaka nakakahawa na subvariants, ngunit hindi sila kasing lubha kung ihahambing sa mga naunang subvariants.
Aniya nababahala ang WHO kaugnay ng panibagong subvariant BA.2.75. Ngunit, limitado pa ang kanilang nalalaman tungkol sa Omicron subvariant.
Nagpositibo ang Pangulo ng Estados Unidos Joe Biden sa COVID-19. Nabakunahan ng apat na inirerekomendang dose ang Pangulong Biden. Sa ngayon, banayad lamang ang mga nararanasan niyang sintoma at umiinom siya ng antiviral pill Paxlovid.
Hinikayat ng Kalihim ng Australian Council of Trade Unions (ACTU) Sally McManus ang mga negosyo na pahintulutan ang work from home hangang humupa ang kasalukuyang Omicron wave.
Maaring ma-access ang Mental health support 24 oras, pitong araw sa bawat linggo .
Lifeline: 13 11 14
Suicide Call Back Service: 1300 659 467
Beyond Blue: 1300 224 636
MensLine Australia: 1300 789 978
Kids Helpline: 1800 551 800
Kung kayo ay nababahala sa suicide, nakatira kasama ang isang tao pinag-iisipan ang suicide o nagdadalamhati dahil sa suicide - ang Suicide Call Back Service ay maaring matawagan sa 1300 659 467 o www.suicidecallbackservice.org.au.
Hanapin ang COVID-19 testing clinic
I-register ang resulta ng inyong RAT dito, sakaling kayo ay nag-positive
Bago kayo maglakbay patungong ibang bansa,