COVID-19: Mga kondisyon sa kalusugan na maaaring magpalala sa coronavirus

Kung ikaw ay may may sakit sa puso, diabetes, high blood pressure, o hika, alamin ang mga karagdagang pag-iingat laban sa coronavirus.

Asthma medication

Asthma medication Source: Getty ImagesRgStudio

Ilan sa mga hanay ng mga taong mayroong malubhang kondisyon sa kalusugan ang mas nanganganib na tamaan ng virus, kabilang dito ang may sakit sa puso, diabetes, high blood pressure, at hika. Inaatake ng virus ang tissue sa baga at nagdudulot ng internal inflammation.

Mahigit 70 porsyento ng mga pasyente ng COVID-19 sa buong mundo ang kinakailangang ilagay sa intensive care ay ang mga may malubhang kondisyon sa kalusugan.

Kabilang sa pinaka-kritikal na kondisyon ay: malalang sakit sa baga, hika, sakit sa puso, diabetes, kondisyon ng atay at bato, at mga gamot at treatment na nagpapahina ng immune system tulad ng cancer at post-transplant treatments.

Asthma o Hika

Ang hika ay isang respiratory condition na dulot ng hypersensitivity at pamamaga ng airways. Ilan sa mga sintomas ay pag-ubo, wheezing, paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga. Sa kasalukuyan, 11% ang apektado ng sakit na ito sa buong Australya. Ayon sa report, mas maraming naaapektuhan na mga Katutubong Australyano.

Kapag nakakaranas ng hika, maaaring maging dahilan nito ay iritadong airway. Ang mga taong nakakaranas nito ay kinakailangang mas maging maingat sapagkat ang COVID-19 ay inaatake din ang airway na maaaring makapagpalala sa kondisyon ng taong may hika.

Narito ang karagdagang impormasyon tungkol sa

Iba pang kondisyon sa

Ang pinakakaraniwang kondisyon sa baga bukod sa hika ay: asbestosis, bronchiectasis, cystic fibrosis, emphysema, kanser sa baga, pleural effusion, pleurisy, respiratory silicosis at tuberculosis.

Sakit sa puso

Ayon sa pandaigdigang pananaliksik, mas mataas ang panganib ng kamatayan para sa mga taong tatamaan ng COVID-19 na may cardiovascular disease. Hindi lamang dahil sila ay mas mataas ang risk na magkaroon ng virus kundi mataas din ang panganib na na magkaroon ng mas malubhang sakit. Kapag nagpositibo sa COVID-19, ito ay magdudulot ng malubhang pamamaga ng heart muscle na maaaring magdulot ng heart injury at atake sa puso.

Mahalagang mapanatili ang healthy lifestyle: ugaliing mag-ehersisyo, magkaroon ng balanced diet, uminom ng tubig at makakuha ng sapat na tulog. Nirerekomenda ng World Health Organisation ang 150 minuto na moderate-intensity na exercise o 75 minuto na vigorous-intensity na physical activity kada linggo, o kumbinasyon nito at sabayan din ng mga ehersisyo na maaaring gawin sa bahay.

Narito ang karagdagang impormasyon tungkol sa  

Diabetes

Maaaring magkaroon ng mas malalang kumplikasyon ang mga taong may diabetes. Inirerekomenda ng Diabetes Australia na magpabakuna laban sa flu, bumuo ng plano kung sakaling magkasakit, at tamang pagkontrol ng blood glucose levels. Ang mga taong may diabetes ay mas mataas na panganib na magkaroon ng malubhang respiratory illness kumpara sa mga taong walang diabetes. Ang sakit na diabetes ay nagpapahina ng immune-response sa viral infection at maaari ring magdulot ng bacterial secondary infection sa baga. Ang mga pasyente na may type-2 diabetes at masasabing obese o may obesity problem ay nanganganib na magkaroon ng mas malalang impeksyon.

Narito ang karagdagang impormasyon tungkol sa

Liver conditions

Para naman sa mga taong may hepatitis B o C, o anumang liver condition, pinapayuhan din silang mag-ingat. Mas mainam na maging maingat at maalam sa mga dapat gawin upang protektahan ang sarili laban sa COVID-19. Para sa mga taong may mas malubhang sakit sa atay, mas makabubuting magpabakuna laban sa flu at pneumococcal disease.

Narito ang karagdagang impormasyon tungkol sa

Narito ang karagdagang impormasyon tungkol sa

Narito ang karagdagang impormasyon tungkol sa

Sakit sa bato o Kidney disease

Kinakailangang magkaroon ng kamalayan ang mga taong may sakit sa bato, na mas may mataas na panganib din sila na magkaroon ng komplikasyon kung sakaling magkaroon ng coronavirus. Maaaring makaapekto din ang COVID-19 sa kidney function ng pasyente kung ito ay may ibang sakit, dehydrated o may secondary infection.

Narito ang karagdagang impormasyon tungkol sa

Cancer treatment

Kapag nagka-cancer, mas lalaong humihina ang immune system kung kaya’t kinakailangan na sumunod sa mga payo at pag-iingat na nirerekomenda ng mga health care practitioner para mabawasan ang panganib sa impeksyon, habang ginagamot at pagkatapos ng paggagamot. Mahalagang manatili sa bahay at iwasan ang non-essential travel at sumakay ng pampublikong sasakyan. Hindi mababago ang sitwasyon sa mga pasyenteng nagkaroon ng post-transplant treatment.

Narito ang karagdagang impormasyon tungkol sa


 

Lahat ng tao sa Australya ay kinakailangang panatilihin ang distansya na 1.5 metro sa ibang tao. Ang mga pagtitipon ay limitado sa dalawang tao lamang, maliban na lamang kung kasama mo ay kapamilya o kasambahay.

Kung sa tingin mo ay nakuha mo ang virus, tawagan ang iyong doktor (huwag bumisita sa clinic) o kontakin ang national Coronavirus Health Information Hotline 1800 020 080. Kung nahihirapan kang huminga, o may emergency, tumawag sa 000.

Makakaasa kayo sa SBS para ihatid ang mahalagang impormasyon tungkol sa COVID-19. Maaaring makakuha ng balita at impormasyon sa 63 wika sa .

 


Share
Published 5 May 2020 12:53pm
Updated 5 May 2020 5:03pm
By SBS Radio
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends