Inanunsyo na ni Prime Minister Scott Morrison ang bagong national definition ng COVID-19 close contact. Ang bagong depinisyon na ito ay napagkasunduan ng National Cabinet noong Huwebes 30 December.
- Ang isang close contact ay isang tao na household contact ng isang kumpirmadong kaso ng COVID-19, o isang tao na kasama ng isang kumpirmadong kaso ng mahigit apat na oras sa isang bahay, accomodation o care facility setting, maliban sa mga exceptional circumstances.
- Kung isang tao ay close contact, kinakailangan niyang mag-rapid antigen test (RAT) kahit siya'y asymptomatic.
- Kung negatibo ang resulta ng RAT, kinakailangan pa rin siyang magself-isolate ng pitong araw mula ng petsa ng exposure at mag-RAT uli sa pang-anim na araw.
- Kung positibo ang RAT, kinakailangan niyang mag-PCR test.
- Kung siya's symptomatic, kinakailangan niyang mag-PCR test at patuloy magself-isolate ng pitong araw.
- Epektibo na ngayon ang depinisyon sa New South Wales, Victoria, Queensland, South Australia, at ACT.
- Nag-aapply ang mga bagong patakaran sa taong nasa isolation, saad ng Prime Minister.
- Susunod ang Tasmania sa Enero 1, habang mag-aanunsyo ang Northern Territory at Western Australia sa mga susunod na araw.
- Pananatiliin ng South Australia ang 10-day isolation period di gaya ng mga ibang estado na pitong araw lamang ang isolation.
Quarantine and restriksyon kada estado:
Travel
Pampinansyal na tulong
May mga pagbabago sa COVID-19 Disaster Payment kapag umabot ang estado ng 70 at 80 per cent fully vaccinated:
- Balita at impormasyon para sa higit na 60 na wika sa
- Relevant guidelines para sa iyong estado o teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon ukol sa