Para sa pinakahuling update tungkol sa coronavirus sa Filipino bisitahin ang
Victoria
Pagtitipon
- Walang restriksyon sa pag-alis ng bahay
- Public gathering- hanggang 100 tao sa labas ang papayagan
- Bisita sa bahay- hanggang 30 tao bawat araw mula sa magkakaibang tahanan (hindi kasali sa bilang ang mga sanggol)
- Selebrasyon ng Pasko- Mula December 14, hanggang 30 tao ang papayagan na bumisita sa bahay bawat araw (hindi kasali sa bilang ang mga sanggol)
- Hospitals at Care facilities- walang restriksyon sa bilang ng bisita at oras ng pagdalaw.
- Kasal, Libing at Religious Gatherings- Walang cap sa bilang ng bisita pero dapat sumunod sa 2-square meter rule
Trabaho
Hanggat maari ay ipagpatuloy ang work from home o pagtatrabaho sa loob ng tahanan. Mahalaga ito para maiwasan ang pagkahawa sa coronavirus.
Unti-unting pababalikin sa trabaho ang mga empleyado at 25 per cent ng staff alinsunod sa density limit na 4 square meters bawat tao
Hindi na sapilitan ang pagsusuot ng mask sa opisina at trabaho
Kailangan magdala ng mask at isuot sa pampublikong sasakyan, shopping centers at mataong lugar
Kung kinakailangan pumasok sa trabaho, mapapanatiling ligtas ang sarili kung:
- palagiang maghugas ng kamay
- umubo sa tissue o sa siko
- panatilihin ang 1.5metrong distansya sa ibang tao
Ang bawat negosyo ay dapat magkaroon ng COVIDSafe Plan kabilang na ang mga nagsasagawa ng serbisyo sa sariling tahanan
Karagdagang impormasyon:
Paaralan
Lahat ng Victorian school students ay babalik sa on-site learning
Ang mga University, TAFE at nakakatandang estudyante ay pinapayagan ang on-site learning
Karagdagang impormasyon:
Travel and Transport
Palaging magdala ng mask at isuot sa habang nasa pampublikong sasakyan o ride-share vehicles. Panatilihing malinis ang katawan at wag bumiyahe kung may sakit.
- Wala nang restriksyon sa distansya at dahilan ng pagbiyahe
- Maari nang magnakasyon saan man sa Victoria
- Maari nang mag book ng accommodation kasama ang mga tao sa inyong tahanan, kaibigan at pamilya maging ang kanilang dependents na hindi mo kasama sa bahay
- Wala nang limitasyon ang pagbyahe sa metropolitan Melbourne at regional Victoria
- Ang mga international flights ay inilihis mula sa Victoria
Mga multa
- May multa para sa mga ipinagbabawal na pagtitipon
- Ang mga Victorians na hindi mag-self-isolate pagkatpos na maging positibo sa virus o natukoy bilang close contact ay kinakailangang magbayad ng multa.
New South Wales
Pagtitipon
- Maaaring magtipon-tipon ang 50 katao sa loob ng bahay kung mayroong espasyo sa labas at hanggang 30 katao kung limitado sa loob ang espasyo.
- Mula December 7 papayagan ang hanggang 100 tao sa mga outdoor gatherings
- Kasal, Libing at Religious service: aalisin ang cap sa bilang pero dapat sundin ang 2sqm rule
Trabaho
Mula December 14, 2020 aalisin na ang public health order na naguutos sa mga emlployer na ipatupad ang work from home maliban kung kinakailangan
Ang bawat opisina at lugar ng trabaho ay kinakailngang may COVID Safety Plan.
Pinakikiusapan ang mga employer na magkaroon ng sistema sa oras ng pagsisimula at pagtatapos ng trabaho ng bawat empleyado. Ito ay para maiwasan ang siksikan sa pampublikong sasakyan. Hinihikayat ang mga pasahero na magsuot ng mask.
Ang mga empleyado ay hindi dapat pumasok sa trabaho kung may sakit at agad sumailalim sa COVID-10 test kung may nararanasang sintomas.
Paaralan
- Ang sinumang NSW na estudyante na may sintomas ng COVID-19 ay hindi papayagang pumasok sa paaralan hanggang maging negative ang test.
- Hindi pinapayagan ang mga school formals, dances, graduations at iba pang social events.
Para sa karagdagang impormasyo mula sa NSW Education:
Negosyo at Libangan
Para sa ilang negosyo at organisasyon, kailangan marehistro bilang COVID-Safe sa ilalim ng Public Health Orders.
Gym at Night Clubs-papayagan ang hanggang 50 katao sa gym classes at dance floor ng mga night club alinsunod sa isang tao sa bawat 4square meters
Stadium at Teatro- 100% sa labas na kapasidad na may distansyang 2 square meters bawat upuan habang 75% naman sa kapasidad ng lugar kung nasa loob.
Maliliit na Hospitality Venues- (hanggang 200 square meters ang sukat) papayagan ang bawat tao kada 2 square meters
Community sporting - Pinapayagan kabilang ang training sessions at contact activities
Kinakailangang may nakahandang COVID-19 Safety Plan ang mga negosyo at event operators at magtabi ng tala ng mga taong papasok sa kanilang lugar:
Travel and Transport
- Mga manlalakbay na galing ibang state ay maaaring bumisita sa NSW para sa bakasyon, ngunit kinakailangan nilang sumunod sa mga patakaran ng kanilang home state sa pag-uwi nila.
- Ang mga indibwal na hingi susunod sa mga bagong patakaran ay maaaring ikulong ng hanggang anim ba buwan, maaaring magbayad ng $11,000 na multa o pareho.
- Maraming caravan parks at camping grounds ang bukas. Kung sinuman ang nagnanais bumisita sa national parks, ay maaaring magpunta ng para sa karagdagang impormasyon.
- Limitado ang pagbisita sa residential aged care facilities o health service.
Para sa karagdagang impormasyon:
Multa
May kaakibat na multa ang pagsuway sa mga restriksyong ipinatutupad.
Isang criminal offense ang di pagsunod sa ilalim ng Public Health Act 2010 at may mabigat na parusa.
Karagdagang impormasyon:
Queensland
Pagtitipon
Papayagan ang 50 katao sa pagtitipon sa bahay at hanggang 100 sa pampublikong lugar sa buong Queensland
Kasal- Hanggang 200 bisita ang maaring dumalo. Pinapayagan rin ang mga sayawan sa loob at labas na venue
Libing- Hanggang 200 ang maaring makiramay at makipaglibing
Residential Care- Maaring bisitahin ang mahal sa buhay na sumasailalim sa mental health o drug and alcohol service
Pagbisita sa Ospital- Ang bilang ng bisita ay nakadepende sa ipinapatupad na alituntunin ng bawat ospital
Karagdagang impormasyon:
Trabaho
Ang bawat negosyo ay kailangang:
- Suportahan ang pagtatrabaho sa tanahan o work from home
- pauwiin ang empleyadong may sakit
- Sundin ang isang tao sa bawat 2 square meters
- Maglagay ng marker sa bawat distansya
- Sumunod sa itinakdang COVID-Safe Framework
- Linising mabuti ang paligid
- Maglaan ng hand sanitiser
Ang bawat empleyado ay dapat:
- Manatili sa bahay kung may sakit
- Mag pa-test kung may sintomas ng COVID-19
- Panatilihin ang 15metrong distansya
- Maghugas ng kamay gamit ang sabon at sanitiser
- Takpan ang bibig kapag uubo o babahing
Paaralan
- Kung ang bata ay may sakit, kailangan tawagan ang magulang o guardian at ipasundo ito
- Kailangan sunduin ng magulang bata sa lalong madaling panahon
- Hindi pababalikin ang bata sa paaralan hangga't di gumagaling at walang anumang sintomas ng sakit
Travel and Transport
- Mula December 1, 2020 kailangan lamang kumpletuhin ang Queensland Border Declaration Pass kung sa nagdaang 14 na araw na hindi ka nagpunta sa mga hotspot area at ibang bansa.
- Mga nasa quarantine na itinakda ng pamahaalan- kung pumasok mula NSW o Victoria, maari lamang umalis kung negative ang COVID-19 test at mapatunayan ang contact details at address sa Queensland
- Kung galing sa isang hotspot area, papayagan lamang pumasok sa Queensland kung mayroong exemption to enter sa mga kalsada maliban kung ikaw ay isang truck driver, nagtatrabaho sa freight at logistics o isang essesntial worker.
Negosyo at Libangan
Sa loob
- Isang tao bawat 2 square meters ang papayagan sa loob ng restaurants, cafes,pubs,clubs,museums, art galleries,simbahan,convention centres at Parliament House.
- Mga event sa loob ng establisyemento tulad ng teatro, live music, sinehan at indoor sports, ay papayagan ng 100% kapasidad na nakaupo. Kailangan may ticket ang venue, may mask ang mga dadalo sa pagpasok pat paglabas.
Sa labas
- papayagan ang 1500 katao sa outdoor events kung may COVID Safe Events checklist. Ang mas malaking pagtitipon ay dapat magkaroon ng COVID Safe plan
- Open Air Stadium- 100% kapasidad ay papayagan na may COVID Safe plan
- Pinapayagan ang mga sayawan sa mga outdoor music festivals, beer gardens
Multa
May kaakibat na multa ang pagsuway sa mga restriksyong ipinatutupad.
More info:
South Australia
Pagtitipon
- Isang tao sa bawat 4 square meters sa mga indoor na lugar
- Isang tao sa bawat 2 square meters sa mga outdoor na lugar
- Private function tulad ng kasal at libing: 150 katao ang papayagan, Isang tao sa bawat 2 square meters sa mga outdoor na lugar
- Sa bahay: 10 tao bawat tahanan maliban kung may higit 10 nakatira sa bahay
- Pribadong lugar: 150 katao
- Holiday Accommodation: Depende sa accomodation provider pero hindi hihigit sa 10 sa bawat kwarto
- Ang pagbisita sa aged care facilities ay ipinagbabawal.
Trabaho
- Sa kabila ng mga pagluluwag ng restriksyon, hinihikayat pa rin ang work from home sa mga empleyado kung maaari
- Makakatulong ito sa COVID19 response ng SA at masisiguro ang pagpapatuloy ng mga negosyo sa kaling magka-oubreak
Paaralan
Binuksan na ang mga paaralan sa SA. Sakaling magkaroon ng outbreak bisitahin ang
Travel at Transport
- Kung kinakailangan bumiyahe o sumakay sa pampublikong sasakyan, gumamit ng direktang ruta kung maaari.
- Walang restriksyon sa pagbyahe sa buong South Australia
- Lahat ng international arrivals na dadating sa SA ay kailangan sumailalim sa SA Health aproved hotel quarantine ng 14 na araw
Negosyo at Libangan
- Isang tao sa bawat 2 square meters sa bawat lugar
- Ang mga pagkain at inumin ay kailangan ubusin habang nakaupo sa mga restaurant, cafe, clubs,pubs wineriest at iba pa. Pinapayagan din ang pagkain na nakatayo sa labas ng lugar
- Ang mga taong nagbibigay ng personal care services ay dapat magsuot ng PPE
- Ang mga sinehan, teatro at lugar na may fixed seating ay di pat lumampas sa 50% ng kapasidad
Multa
May kaakibat na multa at parusa ang paglabag sa mga ipinatutupad na restriksyon
Karagdagang impormasyon:
Western Australia
Pagtitipon
- Walamg limitasyon sa bilang ng bisita sa bahay na may isang tao sa bawat 2 square meters
- Hindi kailangan sundin ang 2square meter rule sa mga nakaupong pagtitipon tulad sa simbahan at may ticket na palabas at ilang entertainment spaces
- May paghihigpit sa pagpunta sa malalayong Aboriginal communities
- May paghihigpit sa pagpasok sa mga residential aged care facilities
Karagdagang impormasyon:
Trabaho
- Hinihikayat ang mga taga Western Australia na bumalik sa trabaho maliban kung mahina o may sakit. Kung hindi ka sigurado sa pagbalik sa opisina, maaring makipag ugnayan sa iyong employer.
Karagdagang impormasyon:
Sa lugar ng trabaho
- Panatilihin ang malinis na katawan at distansya sa ibang tao
- Huwag makipag-kamay
- Linisin at i-disinfect ang mga lugar na madalas hawakan
- Kumain sa iyong mesa o sa labas sa halip na sa lunch-room
- Iwasan ang paghawak o pamamahagi ng pagkain sa lugar ng trabaho
Karagdagang impormasyon:
Paaralan
- Kailangang pumasok sa paaralan ng lahat ng estudyante, maliban kung madaling dapuan ng sakit o kung may kasama sa pamilya na madaling magkasakit.
- Maaring pumasok sa paligid ng paaralan ang mga magulang sa paghatid at sundo ng mga bata
Karagdagang impormasyon:
Travel and Transport
- Lumipat na sa mas ligtas at sensible controlled border arrangement ang estado base sa pinakabagong payo pagdating sa pampublikong kalusugan.
- Nakadepende ang pagpapakilala ng bagong controlled interstate border arrangement sa bawat estado't teritoryo sa Australia na nag-rerecord ng 14-na araw na rolling average na mas mababa sa 5 community cases ng COVID-19 kada araw
- Pinapayagan ang pagbiyahe sa Western Australia kabilang ang Kimberly Region. Ipinagbabawal pa rin ang pagpunta sa mga Aboriginal Community.
- Karagdagang impormasyon:
Negosyo at Libangan
- Walang limatsyon sa bilang ng mga tao sa mga venue alinsunod sa physical distancing at 2 square meter rule. Nakadepende ang bilang ng mga tao sa sukat ng bawat lugar.
- Ang malalaking hospitality venue na kayang tumaggap ng 500 katao ay dapat isama ang staff sa bilang
- Hindi kailangan ang pagrerehistro ng mga customer sa restaurant, cafes at bar
- Pinapayagan ang lahat ng event maliban sa malalaking palabas tulad ng multi stage music festivals
- 50% ng kapasidad ang pinapayagan sa Optus Stadium, HBF Park at RAC Arena
- Pinapayagan ang mga nakatayong performances sa mga lugar tulad ng concert halls, live music venues, bars, pubs at night clubs
- 60% ang pinapayagan sa mga nakaupong entertainment space
- Ang mga casino gaming floor ay bubuksan sa ilalim ng napagkasunduang restriksyon
- Karagdagang impormasyon:
Multa
May kaakibat na multa at parusa para sa mga lalabag sa ipinatutupad na restriksyon.
Tasmania
Pagtitipon
- Sa Bahay- 40 tao ang papayagan magtipon bukod sa mga nakatira sa tahanan
- Kasal, Simbahan at Commercial Space- Depende sa laki ng lugar, papayagan hanggang 250 kata sa loob at 1000 katao sa labas
- Pagbisita sa Ospital- Isang bisita sa bawat pasyente ang papayagan
Trabaho
Hinihikayat ang mga tao na magtrabaho sa bahay hangga't maa-ari para mapanatili ang physical distancing
Paaralan
- Lahat ng estudyante ay kailangan pumasok sa paaralan
- Ang mga estudyanteng may problema sa kalusugan at maaring mahawa ng COVID19 ay pinapayagan mag-aral sa bahay . Makipag uganayan sa inyong paaralan para sa anumang suporta at tulong na maaring ibigay.
Karagdagang impormasyon:
Travel at Transport
- Maaring bumiyahe kahit saan sa Tasmania pero dapat sundin ang limitasyon sa mga pagtitipon
- Ang mga bibiyahe sa Tasmania ay kailangan magbigay ng contact at travel details bago makapasok sa estado.
- Ang kundisyon ng pagpasok sa Tasmania ay ibabase sa mga lugar kung saan galing at namalagi ang isang biyahero
- Kailangan magbayad ng quarantine fee kung inatasan ng pamahalaan na magquarantine sa inilaang accommodation (exemptions apply)
Karagdagang impormasyon:
Negosyo at Libangan
- Pinapayagan na magoperate ang lahat ng negosyo pero dapat ipatupad ang COVID-19 measures at isama sa COVID-19 Safety plan
- Papayagan ang isang tao bawat 2 square meters
- Bukas na ang mga gym na may COVID Safe Plan
Karagdagang impormasyon:
Multa
May kaakibat na multa at parusa sa paglabag sa anumang restriksyon na ipinatutupad.
Northern Territory
Pagtitipon
- Walang limitasyon sa pagtitipon sa NT, subalit kinakailangang sumunod ang mga tao sa social distancing at panatilihin ang 1.5 metrong distansya sa ibang tao
- Pinapahintulutan ang kasal at libing
- Ang pagtitipon ng higit 100 tao ay kailangan magkaroon ng COVID-19 checklist
Karagdagang impormasyon:
Trabaho
- Ayon sa utos ng CHO, ang mga negosyo, organisasyon at community group ay kailangan:
- Magkaroon ng COVID-19 Safety Plan, na kailangan sundin at i-review kada anim na buwan
- MAglaan ng hand sanitisers para sa mga customer maliban kung may lugar para hugasan ang kamay
Maglagay ng mga paalala at palatandaan sa mga pampublikong lugar kung saan:
- Dapat panatilihin ang physical distancing na 1.5 metro
- Limitahan sa 15 minuto ang pakikisalamuha kung hindi masusunod ang 1.5metrong distansya
- Palaging maghugas ng kamay at gumamit ng hand sanitiser
- Manatili sa bahay kung may sakit at magpa-test
Paaralan
Lahat ng estudyante sa NT ay kailangan pumasok sa paaralan
Karagdagang impormasyon:
Travel at Transport
- Ang mga pasaherong galing ibang bansa ay kinakailangang sumailalim sa mandatory supervised quarantine sa Howard Springs facility. Kinakailangan nilang magbayad ng $2,500.
- Interstate Arrivals sa NT
- Kung hindi ka galing sa isang declared hotspot, hindi mo kailangan mag-self-quarantine. Hotspots list:
-
Kailangang kumumpleto ng border entry form ang lahat ng interstate arrivals 72 na oras pagkatapos nilang dumating.
Negosyo at Libangan
Pinapayagan ang pag-ehersisyo, outdoor gatherings, swimming, fishing at boating
Pinapayagan magbukas ang mga skate park, pools, playgrounds at outdoor gyms
Bukas na ang mga Cafe, restaurants, bars sports training, indoor markets, gyms, libraries, galleries at museums at iba pang negosyo
Maaring dumalo sa mga community at sporting competitions sa ilalim ng aprubadong dami ng upuan. Kung higit sa 500 tao ang dadalo, kailangan magkaroon ng COVID-19 Safety plan
Multa
May kaakibat na multa at parusa ang lalabag sa mga ipinatutupad na restriksyon.
Australian Capital Territory
Pagtitipon
- Sa Bahay- walang limitasyon ang dami ng bisita
- Pampublikong pagtitipon-hanggang 100 tao, isang tao bawat 2 square meters sa loob at isang tao bawat 2 square meters sa labas
- Kasal at Libing- hanggang 500 katao, isang tao bawat 4 square meters
- Simbahan- hanggang 25 tao, hindi kabilang ang staff o nagbibigay ng serbisyo sa buong venue
- Aged Care- maaring bisitahin ang kaanak o kaibigan para sa pag-aalaga at pagbibigay ng suporta. walang limitasyon sa oras ng pagbisita
Trabaho
- Maaring bumalik sa lugar ng trabaho kung nais ng employer at empleyado. Dapat mayroong COVID Safe Plan
- Manatili sa bahay kung may sakit at mag pa-test kung may sintomas ng COVID-19
- Karagdagang impormasyon:
Paaralan
- Bukas ang mga pampublikong paaralan sa ACT. Nakabalik na ang karamihan ng mga guro at estudyante.
- Ang mga guro at estudyanteng may karamdaman o madaling dapuan ng sakit ay maaring magtrabaho o mag-aral sa bahay
Travel at Transport
- Maliban kung ipinagbabawal ang pagbiyahe, hindi magdedeklara ang ACT Health ng mga lugar na ligtas at di ligtas puntahan
- Ang mga nasa COVID-affected area ay hindi hinihikayat na pumunta sa ACT
- Huwag sumakay sa pampublikong sasakyang kung ikaw ay may sakit o inatasang mag quarantine
- Kung kailangan bumiyahe pauwi para mag quarantine, gumamit ng sariling sasakyan kung maaari
Negosyo at Libangan
- 25 tao ang pinapayagan sa mga gym, restaurants, cafes at bars sa Canberra
- Kung hihigit sa 25 tao, kailangan sundin ang 2 suare meter rule sa loob at labas ng venue at gamitin ang Check In CBR App
- Ang mga lugar na walang Check In CBR App ay dapat magkaroon lamang ng isang tao bawat 4 square meters sa loob at isang tao sa bawat 2 square meters sa labas
- Ang mga iinom ng alak ay kailanag nakaupo sa loob ng pasilidad
- Sinehan at Teatro-65% ng kapasidad o hanggang 500 katao gamit ang Check in CBR App
- Saradong lugar na may permanenteng upuan- may ticket at nakaupo ang dadalo sa mga event. 65% ng kapasidad ng lugar ang pwedeng gamitin o hanggang 1,500 na katao
- GIO Stadium at Manuka Oval- 65% ng kapasidad na may upuan
Karagdagang impormasyon:
Multa
May kaakibat na multa at parusa sa paglabag sa mga ipinatutupad na restriksyon
Lahat ay kinakailangang panatilihin ang distansya na 1.5 metro sa ibang tao. Alamin ang mga limitasyon sa pagtitipon sa bawat estado.
Kung may nararamdamang sintomas ng sipon o trangkaso, tumawag sa inyong doktor para magpa-schedule ng test o tumawag sa national Coronavirus Health Information Hotline 1800 020 080.
Basahin ang mga patakaran para sa iyong estado o teritoryo: , , , , , , , .