Sa ngayon ay alam na natin kung anu-ano ang mga sintomas na dapat nating bantayan – tulad ng lagnat, dry cough, hirap sa paghinga o di kaya’y pagkahapo.
Nagkaroon ng mga pag-aaral sa maraming mga bansa na nagsusuri ng mga asymptomatic cases ng COVID-19 sa Iceland, Japan, China at Australya.
Ayon sa isang JAMA Network Open paper, napagalaman ng mga mananaliksik na sa 78 pasyente, 42.3 porsyento ng bilang na ito ay hindi nakitaan ng sintomas.
Samantala, sa isa pang pag-aaral na nailathala ng Thorax, napagalaman na sa 217 na nasa Greg Mortimer cruise ship, mahigit 80 porsyento na nagpositibo sa coronavirus ay walang naramdamang sintomas.
Ano ang pre-symptomatic at asymptomatic transmission?
Ipinaliwanag ng World Health Organisation ang pagkakaiba ng dalawa.
Sa pre-symptomatic period maaaring na-expose ka na sa virus subalit wala ka pang nararamdamang sintomas.
Bagama’t wala pang nararamdamang sintomas, hindi nangangahulugang hindi na ito makakahawa. May mga naitalang kaso na may mga taong nagpositibo sa virus matapos ang isa hanggang tatlong araw bago pa man sila makaramdam ng sintomas.
Samantala, ang asymptomatic transmission naman ay mangyayari kapag naipasa ang virus ng isang tao na hindi nakitaan ng sintomas ng COVID-19.
Ano ang palagay ng mga eksperto sa mga kasalukuyang pag-aaral ?
Ayon kay Professor Raina McIntyre, Head ng Biosecurity Program sa Kirby Institute, “mayroong mabigat na katibayan na nagsasabing “ang symptomatic and presymptomatic ay karaniwan sa COVID-19.”
Ibinatay niya ito sa mga pag-aaral sa aged care at iba pang outbreaks na kung saan ay “mayroong kalahating porsyento ng mga positibong kaso na asymptomatic.“
Noong Mayo, may isang kaso ng empleyado na asymptomatic na naitala sa Grant Lodge, isang aged care home sa may Bacchus Marsh sa Melbourne.
"We should not be debating this any longer. High-risk contacts in outbreak situations, whether family contacts or in a closed setting outbreak, should be tested regardless of symptoms or cases will be missed," ani Prof MacInyrte.
"People take 10-14 days to develop antibodies, so it is no surprise that the antibody-based rapid test was of limited use in an acute outbreak."
Hindi sigurado ang ilang mga eksperto kung paano nga ba maituturing ang mga asymptomatic na mga kaso.
Nakausap namin si Sanjaya Senanayake, isang espesyalista sa infectitious diseases sa Australian National University.
Tinukoy niya sa mga pag-aaaral sa China kung saan napag-alaman na ang mga may asymptomatic cases ay hindi nag-isolate dahil hindi sila nakaramdam ng mga sintomas.
"[Researchers] didn't look at whether any secondary cases arose from them" not self isolating,” batid niya.
Noong Pebrero, naiulat sa report ng WHO Cjina joint Mission na karamihan sa mga asymptomatic na pasyente na nagpa-test ay nag-develop din ng mga sintomas sa kalaunan.
Hindi tiniyak ng propesor kung natuluyang magkasakit o hindi ang mga nakasama sa pag-aaral.
"Another limitation here, which the authors accept, is how accurately the assessment was of the cases having no symptoms. Is it possible that though they weren't overtly unwell that they still didn't feel 100 per cent right e.g. they were okay at rest, but didn't feel up to exercising etc?"
At dahil magkakaiba ang lumalabas na bilang sa iba’t-ibang mga pag-aaral kaugnay sa asymptomatic na mga kaso, limitado pa din ang kaalaman sa pagtukoy ng mga katangian ng asymptomatic COVID-19 cases.
Sa Iceland, lumabas na may 50 porsyento ang nagpositibo sa virus na hindi nakitaan ng sintomas, 30.8 porsyento naman sa Japan, habang 80 porsyento naman ang lumabas na bilang sa iba pang pag-aaaral sa China.
"It's hard to know which is right. And although we are getting closer to understanding the proportion of asymptomatic cases with Covid-19 , we still don't know for sure the magnitude of the impact that they have on further transmission of cases i.e. do they generate lots of secondary cases or only a small proportion?"
"In other words, there were four asymptomatic carriers for every ill passenger."
Nakapanayam din namin si Professor Ivo Mueller, isang epidemiologist sa Walter and Eliza Hall Institute of Medical Research.
Ipinaliwanag ng propesor na mahalagang maunawan ang asymptomatic infection sa pagpasa ng virus sa ibang tao, upang mabigyang linaw kung paano makakahawa ang virus sa ibang tao at kung paano nila matututunton ang pagdevelop ng virus sa mga susunod na buwan.
"And what interventions are most important to prevent the second wave of cases and deaths," aniya.
Isang halimbawa ang pag-aaral sa Greg Mortimer cruise ship na may lulan na 96 na Australyanong pasahero, kung saan napag-alaman sa 217 na pasahero, 128 ang nagpositibo sa virus. Sa mga tinamaan ng virus, 104 ang hindi nakitaan ng anumang sintomas - lumalabas na ito ay 81 porsyento ng mga kaso ang nagpositibo.
"In other words, there were four asymptomatic carriers for every ill passenger. If the same pattern is repeated elsewhere, this means that in countries that only test symptomatic cases, the true burden of infections may be five times higher than currently reported," ayon kay Prof Mueller.
Dagdag pa ng propesor na kailangang lubos na maunawaan at gawing prayoridad kung gaano nga ba nakakahawa ang mga asymptomatic carrier ng virus, anuman ang edad nito.
Lahat ng tao sa Australya ay kinakailangang panatilihin ang distansya na 1.5 metro sa ibang tao. Alamin ang mga restriksyon sa mga pagtitipon sa inyong estado. May isinasagawang malawakang testing sa buong bansa.
Kung may nararamdaman kang sintomas ng sipon o flu, tumawag sa inyong doktor para magpa-schedule ng test o tumawag sa national Coronavirus Health Information Hotline 1800 020 080.
Maaari ding i-download ang COVIDSafe app sa inyong mobile phone. Ito ay tracing app na inilunsad ng pamahalaang pederal.
Makakaasa kayo sa SBS para ihatid ang mahalagang impormasyon tungkol sa COVID-19. Maaaring makakuha ng balita at impormasyon sa 63 wika sa sbs.com.au/coronavirus.