Bumigay sa hinaing ng publiko ang Coles at ngayon ay mamimigay na sila ng libreng reusable plastic bags, pagkatapos ang Agosto 1 na cut-off date nito sa paggamit ng plastic bag. Hindi pa tiyak kung hanggang kailan sila mamimigay nang libre.
Ang supermarket giant ay namimigay ng mga bag sa mga mamimili sa New South Wales, Victoria, Queensland at Western Australia simula pa noong Hulyo 1 matapos nila ipagbawal ang paggamit ng mga single-use na plastic bag.
Unang sinabi ng Coles na kailangan nilang bilhin ang mga reusable bags.
Nakatakda sanang ihinto ng supermarket ang pamimigay ng libreng plastic bag simula Agosto 1 at magsisimula silang maningil ng 50 cents bawat bag, subalit umatras sila sa nauna nilang desisyon matapos magalit ng maraming customer.
Marami sa mga customer ng Coles ang naghayag ng kanilang hinaing sa naturang desisyon noong Miyerkules.
Ayon sa Greenpeace, ang desisyon ng Coles ay masasabing iresponsable at nakakahinayang.
"They talked the talk but haven't walked the walk," sabi ng tagapagsalitang si Zoe Dean sa AAP noong Miyerkules.
"It's interesting because the ban on single-use bags came as a result of pressure from customers and people calling for companies to take responsibility and stop using plastic bags.
"While a minority of people are struggling to cope, we know it's just a matter of time for people to adapt to the change."

Source: AAP
Inihayag din ng ilang mamimili ang kanilang galit sa Coles sa social media.
"What a bunch of cowards you are @Coles you should be doubling down and not making any plastic bags available in your stores," sabi sa tweet ni Ben B.
Hindi rin ito kinatuwa ni Sally Edsall.
"Hey Coles, I won't be shopping at Coles until you stop this plastic bag nonsense," sabi niya sa kanyang tweet.
Dagdag naman ni Retail expert Associate Professor Gary Mortimer: "#Coles claim it 'is continually looking at ways to reduce plastic, which is why we removed single-use plastic shopping bags on July 1...' Really? Very disappointing."
Sinabi ng tagapagsalaita ng Coles na nang sinimulan ang pagbabawal sa paggamit ng single-use plastic bag, maraming cutomer ang nanghihingi pa ng palugit para makapag-transition sila sa paggamit ng reusable bags.
"We've been delighted to see customers grow more accustomed to bringing their reusable bags from home so they are relying less on complimentary bags at the checkout," sinabi niya sa isang pahayag.
"Many customers bringing bags from home are still finding themselves short a bag or two so we are offering complimentary reusable Better Bags to help them complete their shopping."
Kamakailan, ang Coles at ang karibal nitong Woolwoths ay ipinagbawal ang paggamit ng single-use plastic bag at sa halip ay nagsimulang magbenta ng mga reusable bags.
Unang sinabi ng Coles na mamimigay ito ng libreng Better Bags, na gawa sa 80 porsyento na recycled material, hanggang Hulyo 8 para makapag-adjust ang mga customer.
Ngunit nagpasya ang Coles na i-extend nito ang pamimigay ng libreng reusable bags hanggang Agosto.
Namigay din ang Woolworths ng libreng reusable bags hanggang Hulyo 8.
Maraming mga customer ng Coles at Woolworths ang nagalit sa desisyon nitong ipagbawal ang paggamit ng single-use bags bilang bahagi ng kanilang kampanya na bawasan ang plastik na basura.