Key Points
- Tinanggap ni dating NSW Premier Dominic Perrottet ang pagkatalo sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono kay Chris Minns alas-9 ng gabi noong Sabado.
- Inaasahan ng Labor na makakuha ng 47 na puwesto para may karapatan itong mamahala sa estado.
- Ang parehong lider ay nangampanya ng husto sa kanlurang bahagi ng Sydney kung saan nakatira ang ikatlong bahagi ng mga botante sa NSW.
Hawak na ng Labor ang pamamahala ng buong Australya, matapos ang Tasmania na lamang ang nag-iisang estado na pinamumunuan ng Liberal na partido.
Sa pinakahuling pagbibilang ng boto Sabado ng gabi, lumabas na si Chris Minns ang nakatakdang susunod na NSW premier at magkakaroon ng majority Labor government.
Sa kanyang victory speech, idineklara ng premier-elect na ang kanyang partido ay "back and ready to govern" o bumalik at hangdang mamahala.
"Hindi namin pababayaan ang mga tao ng estadong ito," sabi ni Minns.
"Kami ay mamamahala para sa lahat sa NSW. Alam namin na napakalaki ang hamon, alam namin na ang mga responsibilidad ay hindi madali, ngunit ang NSW Labor ay bumalik at handang pamahalaan ng maayos ang estado ito."
Nagpasalamat din siya kay outgoing Liberal premier Dominic Perrottet sa kanyang serbisyo.
"Hindi maikakaila na ang pangangampanya sa halalang ito ay marahil natatangi, isang modelo ng pagkamagalang. Wala sa alinmang partido ang nawalan ng prisipyo, ni political party ang nang-insulto," dagdag niya.
Mismong si Punong Ministro Anthony Albanese ang nangunguna sa pangangampanya sa araw ng halalan sa buong Sydney, at tinanggap si Minns sa victory-stage sa isang Sydney party function.
"Siya ay sumasalamin ng lahat ng pinakamahusay tungkol sa Australian Labor Party," sabi ng punong ministro tungkol kay Minns.
"Ang kanyang vision ay laging may mga tao sa puso nito."
Kinikilala ni Albanese ang katangiang gumagabay sa kanyang grupo ang pagkakaroon ng integridad, may pananaw, pakikiramay at pagiging patas.
Samantala ang paulit-ulit na suporta ibinibigay ni Albanese sa tabi ni Minns sa kampanya ay kabaligtaran sa ipinapakitang ng Pinuno ng Oposisyon na si Peter Dutton mula sa pagtulak ng estado ng koalisyon para sa muling halalan.
Sa function ng halalan sa Labour, sinabi ng frontbencher ng federal party na si Chris Bowen na ang pagtakbo ni Minns ay isang "ganap na napakatalinong kampanya".
"Maaari siyang maging kasing-makabuluhan ng isang Labor premier bilang (Neville) Wran at (Bob) Carr," sinabi niya sa mga mamamahayag.
Perrottet nag-alok ng pag-endorso
Tinanggap na ni dating NSW Premier Dominic Perrottet ang kanyang pagkatalo sa pamamagitan ng pagtawag kay Minns mga alas-9 ng gabi noong Sabado.
Hinimok ng papaalis na premier ang lahat sa NSW na sumunod kay Minns para sa kapakanan ng bansa.
"Nanawagan ako sa lahat ng taga-NSW, anuman ang iyong political orientation, upang sumunod sa kanya, dahil kapag maayos ang NSW, maayos ang takbo ng ating bansa, at iyon ay isang bagay na pinaniniwalaan kong maaari tayong magkaisa sa likod."
Naglingkod bilang premier si Perrottet sa loob ng 18 buwan, matapos huminto sa katungkulan si Gladys Berejiklian sa gitna ng pagsisiyasat sa katiwalian.
Kung pinalad na nanalo, ito na sana ang ikaapat na termino para sa koalisyon.
Sinabi din ni Perrottet na si Minns ay isang mahusay na kapalit para gampanan ang responsibilidad para sa pagkawala ng kanyang partido.
"At, bilang resulta, bababa ako bilang pinuno ng Parliamentary Liberal Party."
"Napakalinaw na kailangan natin ng bagong simula."
Soulsearching para sa Liberal
Ngayong nagkatotoo ang pangarap ng Labor, nagsimula ang pagsusuri sa pagkawala ng Liberal.
Ayon kay dating Liberal prime minister John Howard sa kanyang pagdalo sa election function ng partido, na nag-aatubili na magkomento sa kinalabasan ng halalan, ang nagsabing "masyado pang maaga para pag-usapan iyon".
Sinabi niya na minana ni Dominic Perrottet ang trabaho ng premier sa "hindi kapani-paniwala at mahirap na mga pangyayari" pagkatapos ng biglaang pag-alis ni Gladys Berejiklian.
"Labis akong humahanga sa kanya," sabi ni Howard kay dating premier Perrottet.
Pagkatapos ay narinig niya ang plano ni Perrottet na bumaba bilang Liberal leader.
Sa pahayag naman ni Senior Liberal at federal treasury spokesman Angus Taylor, nang tanungin kung ang mga isinulong na patakaran ng Liberal at climate change ang nagpatalo sa partido.
"Kailangan mong mangampanya kung nasaan ang iyong mga lakas," sinabi ni Taylor sa Sky News.

Dumating si NSW Premier Dominic Perrottet kasama ang kanyang asawang si Helen Perrottet at anak na babae na si Celeste upang bumoto sa araw ng halalan ng estado ng NSW. Source: AAP / AAP
Si Perrottet ay bumoto sa Beecroft noong Sabado kasama ang asawang si Helen at anak na si Celeste, kung saan ang mga school volunteers ay nagbebenta ng cupcakes at sausages sa mga botante.
Bumoto naman si Minns sa kanyang ultra-marginal southern Sydney seat sa Kogarah, kasama naman ang asawang si Anna at kanilang tatlong anak na lalaki, at nangako ng isang bagong pananaw at panimula para sa estado.
"Bumoto para sa panibagong simula ng NSW, para sa isang pangkat na may plano para sa mahahalagang serbisyo, para sa ating mga paaralan at para sa ating mga ospital, na tatayo laban sa privatisation at talagang uunahin ang mga tao ng NSW," aniya.

Ang NSW Premier Dominic Perrottet (dulong kaliwa) at ang kanyang asawang si Helen Perrottet (ikalawang kaliwa) ay bumoto sa araw ng halalan ng estado ng NSW, sa upuan ng Epping, sa Sydney, Sabado, Marso 25, 2023. Source: AAP / AAP
Iminungkahi ng Federal independent MP para sa Fowler Dai Li na nagkaroon ng hangover mula epekto ng COVID-19 at ang lockdown sa kanyang komunidad sa Sydney sa panahon ng pinakabagong administrasyong NSW na pinamunuan ng koalisyon.
"Noong panahon na pinag-uusapan natin kung paano tayo tinatrato bilang mga second-class na mamamayan. Sa tingin ko may mga natitira pa rin niyan sa ating komunidad, at kaya may pakiramdam na talagang pinabayaan lang tayo ng gobyerno," pahayag nito sa ABC TV.