1. Pangungulila at kalungkutan
Sanay kang nandyan lang ang iyong pamilya. Marami kang iniwan na kaibigan sa Pilipinas. At kahit maraming maliliit na eskinita at maraming nakakalitong tawiran kung saan ka nakatira, alam mo kung nasaan ka, saan ka man mapunta.

Missing home and longing for the loved ones you left behind are part of the international student's journey. Source: Getty Images/YuriF
Ngayon, lahat ay bago. Malawak man ang mga kalsada at malinaw man ang mga karatula sa mga kalye, wala si inay at itay sa kabilang kwarto. Hindi lamang 15 na minuto ang layo ng mga bahay ng mga kaibigan mo. Nasa long distance relationship ka sa lahat ng malapit sa iyo sa Pilipinas.
Nakakatuwa ang ideya ng pagtira at pag-aral sa Australya; ngunit, ngayon, biglang tinamaan ka ng pangungulila at kalungkutan. Hindi mo akalain na ganito pala kahirap ang malayo sa mga kinagisnan mo.
Ngunit, ang magandang balita ay maari mong tawagan o i-message ang mga mahal mo sa buhay kapag na-mi-miss mo sila. May mga support groups din sa iyong paaralan at sa Filipino community sa Australya na maari mong kausapin. Makipag-konekta sa mga ito. Makipagkaibigan ka. Kahit hindi ganoon kalalim sa una ang mga pagkakaibigan, mainam na mayroon kang kausap at kasama.
Ito ang ilan sa mga Filipino International Student groups na maari mong kontakin:
2. Mahirap na komunikasyon

"What did he say?" Source: Getty Images/Greg Gregorio / EyeEm
Habang hindi mo naman masyado noong pinag-iisipan ang paghingi ng tubig sa restawran, biglang magugulat ka na lang na limang minuto na pala ang pag-uusap ninyo ng waiter dahil sa pagbigkas mo ng 'wa-ter’. Ng palitan mo ang pagsabi mo sa 'wah-tah', doon ka lang niya naintindihan.
Ang isang lamang ng mga Pilipino ay marami sa atin ang marunong mag-Ingles. Ngunit, ang kawalan natin ay ang Ingles natin ay may bahid ng American accent. Dahil dito, nagkakaroon ng di pagkakaintindihan dahil sa accent at slang words.
Ngunit, kahit hindi ka talaga magkakaroon ng totoong Australian accent, maari kang mag-adapt bilang Pilipino. Habang maaring pagtawanan ka ng mga taga-atin dahil sa iyong pananalita at dahil gumagamit ka na ngayon ng 'ta' imbis na 'thanks', makakatulong ito sa iyo habang naninirahan ka sa Australya.
3. Paghihirap na pinansyal

Financial stress can make you second-guess your decision to study in Australia. Source: Getty Images/JGI Jamie Gill
Kung hindi ka galing sa yaman, malaking pabigat pang-pinansyal ang pag-aaral sa ibang bansa. Sa bagay, habang ang perang kinita o kinikita para sa iyong pag-aaral ay peso, gumagastos ka ng dolyar. At habang hindi mo siguro masyadong pinag-iisipan ang mga bayarin sa Pilipinas noon, kinakailangan mong mag-ipon habang nasa Australya ka dahil mas mahal ang mga bilihin dito.
Dahil dito, maaring mapaisip ka kung tama ba talaga ang desisyon mong lumipat at mag-aral sa Australya.
Ang magandang balita ay ang mga may hawak ng student visa ay maaring magtrabaho ng 40 na oras kada dalawang linggo habang may pasok. Unlimited naman ang oras na maaring magtrabaho ka kung walang pasok. Habang hindi siguro nito matutuunan ang lahat ng iyong paghihirap na pinansyal, makakatulong ito.
4. Culture shock
Mas maiintindihan mo kung gaano kalaki ang mundo kapag nanirahan ka sa ibang bansa. Bigla kang matatauhan na kahit iba't iba ang mga tao sa Pilipinas, mas diverse pala ang mga tao sa ibang bansa.

We may all come from different ethnicities and backgrounds, but we all go through similar things. Source: Getty Images/altrendo images
Nangingibabaw ang multikuturalismo sa Australya. Makakilala ka ng iba't ibang mga tao, mula sa iba't ibang lahi. May iba't iba silang mga pananaw at paraan ng pamumuhay. Ang iba sa kanila ay mga pananaw na di magtutugma sa iyo. May mga taong hindi mo maiintindihan at mahihirapan kang makipag-ugnayan sa kanila.
Ngunit, upang malagpasan ang pagsubok na ito, kinakailangan mong matutong makiramay at maging matatag. Kilalanin ang bawat indibidwal at pakawalan mo ang stereotypes. Alalahanin na kahit gaano man kayo kaiba, pare-pareho ang mga pinagdadaanan ninyo. At matuto kang lumaban. Maging confident at maging matapang.
5. Pag-transisyon mula pag-aaral patungong pagtatrabaho
Bilang estudyante, alam mong darating ang panahon na ika'y magtatapos ng pag-aaral. Kailangang handa ka pagdating ng panahong ito.

What do you do after you graduate? Source: Getty Images/Sam Edwards
Habang ang iniisip lamang ng mga estudyante sa Pilipinas ay kung ano ang trabahong papasukan nila kapag natapos na sila, bilang international student, ang kailangan mong isipin ay kung uuwi ka ba ng Pilipinas, paano ka makakahanap ng trabaho sa Australya, o kukuha ka ba uli ng bagong visa.
Hindi simple ang solusyon sa pagsubok na ito dahil nakadepende ang sagot mo sa mga kondisyon ng iyong visa. Mainam na makipag-usap na sa migration agent o lawyer bago pa man matapos ang iyong kurso.
ALSO LISTEN TO