Ang tanyag na Australian fashion designer at dating SBS Chair ay pumanaw sa edad na 78.
Highlight
- Isang kampeon ng multikultural na Australia, hindi kailanman kinalimutan ni Carla Zampatti ang kanyang pinagmulang Italyano, kahit na patuloy siyang gumawa ng pangalan sa industriya ng fashion.
- Ang kanyang mga disenyo ay isinusuot ng ilan sa mga pinaka-maimpluwensyang kababaihan sa Australia.
- Pumanaw ang fashion icon nitong Sabado (Abril 2) matapos ng matinding pagkakahulog.
Binihisan niya ang ilan sa mga pinaka-impluwensyang kababaihan ng Australia kasama sina Princess Mary ng Denmark, unang babaeng punong ministro ng Australia na si Julia Gillard at Oscar-winning actress na si Nicole Kidman.
Binawian ng buhay ang fashion icon nitong Sabado, ika-2 ng Abril sa isang ospital sa Sydney, matapos ng malubhang pagkakahulog sa isang outdoor opera event, ang pagsisimula ng palabas na La Traviata sa Sydney.
Noong taong 2016, sinabi ng dating Tagapangulo ng SBS sa SBS News, siya - tulad ng maraming mga migranteng Italyano - ay nagtaguyod ng isang matatag na koneksyon sa Australia.
"The family, the attitude, it is kind of very... You feel there is an Italian element in Australia. So they have had a big influence. And they're hardworking. It's a beautiful country. And it never ceases to amaze me how enterprising Italians are. Even during the GFC, businesses just dropped their prices, just got on with their work. And managed to survive," pahayag ni Zampatti.
Ipinanganak sa Italya noong 1942, si Ms Zampatti ay dumating sa Australia bilang isang bata noong 1950, at sa kinalaunan ay nagtayo ng sarili niyang fashion label sa edad na 24.
Dinala niya kinang at istilong Italyano sa kanyang eleganteng mga disenyo, na naimpluwensyahan ng kanyang pagkabata, lumaki sa bulubunduking rehiyon ng Lombardy.
Hinangaan ng mga pulitiko, mga aktor at maging mga prinsesa ang natatangi niyang sariling istilo, ayon sa Editor ng Stellar Magazine na si Sarrah Le Marquand.
"Her designs were worn from anyone from Nicole Kidman, Princess Mary, Cate Blanchett, to our first female Prime Minister Julia Gillard; the Premier of NSW, Gladys Berejiklian, [former foreign minister] Julie Bishop . So her status within the fashion industry, my industry -- the publishing industry was profound. But I think what is unique about Carla Zampatti was that her connection with the so-called everyday Australian woman was no less profound."
Sa kanyang pagpanaw, nag-umapaw ang pagbibigay pugay kay Ms Zampatti.
Ang mga paggalang para kay Ms Zampatti ay nagmula sa lahat ng mga kalagayan sa buhay ng Australia.
Sa isang pahayag, sinabi ni Punong Ministro Scott Morrison na nawalan ang Australia ng "isang tunay na dakila at isang inspirasyon" na isang "pioneer as an entrepreneur and a champion of multicultural Australia".
Ayon naman sa Chairperson ng A-B-C, dating founding editor ng Cleo magazine at isang kaibigan ni Ms Zampatti, na si Ita Buttrose na ang tatak Carla Zampatti ay naging laman ng damitan ng maraming mga Australyano.
"She was a very classical designer. And she used to say that her designs always stood the test of time. So you could buy something a few years back and you could still be wearing it a few years forward. And I think that is why she had such a wide appeal. I mean when you think about it. I know she dressed Princess Mary of Denmark and I know that (British actress) Joan Collins popped into her boutique in Sydney and she was a pioneer. We first discovered. We - Cleo magazine - first discovered her in 1972 when she opened her first boutique here in Sydney. And then she opened others. And she finally cracked Myer and David Jones. She was also at one point Chair of SBS. And we sometimes used to discuss challenges of looking after national broadcasters. It was one of the other things we had in common."
Isang kampeon ng pagkakaiba ng kultura, ang pamunuan ng SBS ay nagbigay pagkilala kay Ms Zampatti bilang isang "extraordinary leader" na nagdala ng labis na sigla at katatagan sa kanyang 10 taon na pamumuno sa SBS mula 1999 hanggang 2009.
Tinawag ng Australian Multicultural Foundation si Ms Zampatti bilang isang matagumpay na multikultural na kwento na nagtaguyod at komited sa pagsuporta sa mga kabataan na maabot kanilang hangarin.
Sinabi ng fashion house ni Ms Zampatti na nakatuo siya sa "maiparamdam sa mga kababaihan sa Australia na magkaroon ng kumpiyansa at maging elegante sa pamamagitan ng kanyang natatanging disenyo, pag-aayos at pag-unawa sa modernong babae".