Malaki ang naging tulong ng net overseas migration sa pagsampa ng populasyon ng Australia sa 26.8 milyong katao noong nakaraang taon ayon sa bagong datos mula sa Australian Bureau of Statistics (ABS).
Ang populasyon ng Australia ay lumaki ng 2.5% — o 659,800 katao — sa loob ng 12 buwan hanggang Setyembre 2023.
Ang net overseas migration ang nagdala ng 83% ng paglaki nito.
Aabot sa 765,900 ang mga migranteng dumating mula sa ibang bansa at 217,100 ang mga umalis s noong nakaraang taon, na nagresulta sa net na pagtaas sa populasyon ng Australia ng 548,800 katao.

Australia's population grew by 2.5 per cent in the 12 months to 30 September 2023. Source: SBS
Naitala ang mayroong 295,000 na mga ipanganak at 183,900 naman ang mga pumanaw sa Australia sa parehong 12-buwang panahon.
Ito ay nagresulta sa natural na pagtaas ng populasyon na 111,000 katao lamang, na 3.9% pagbaba kumpara sa nakaraang taon.
Ang NSW ang may pinakamataas na antas ng net overseas migration na may 186,433 kataong dumating, sinundan ng Victoria (161,758) at Queensland (87,954).
Ang Northern Territory ang may pinakamababang antas na may 3,189 katao.

NSW was the most popular state for overseas arrivals. Source: SBS
Pangalawa naman ang China na sinundan ng Pilipinas, at ng United Kingdom.
Panglima naman ang mga Australyano na mga bumabalik sa Australia mula sa ibang bansa.

The highest number of migrants to Australia in the 12 months to June 2023 were born in India. Source: SBS
Aling mga estado at teritoryo ang pinanggagalingan ng mga tao at patungo saan?
Ang mataas na bilang ng mga migrante na mga dumating mula sa ibang bansa ay nagresulta sa positibong paglaki ng populasyon sa bawat estado at teritoryo, ngunit mas marami ang nawala sa mga ito sa paglipat mula sa ibang estado kaysa sa mga nadadagdag.
Ang Queensland ay nananatiling pinakapaboritong lugar para sa mga Australyano na lumipat, kung saan lumaki ang populasyon ng estado ng 32,625 sa mga dumating mula sa ibang estado sa loob ng hanggang Setyembre 2023.
Sumunod ang Western Australia na lumaki ang bilang sa 11,233 residente, habang ang NSW ang nababawasan kung saan aabot sa 33,202 katao ang lumipat sa ibang bahagi ng bansa.

Only two states are gaining more residents from interstate than they are losing. Source: SBS
Ang Victoria ang sumunod na may growth rate na 2.9%, habang halos kasunod na ang Queensland na may 2.7% paglaki.
Ang Tasmania ang may pinakamabagal na rate ng paglaki sa lamang 0.3%.