Explainer

Australian passport: Narito ang mga destinasyon na maaring puntahan kahit walang visa

Mas makapangyarihan na ang passport ng mga Australians ayon sa pinakahuling Henley Passport Index, kung saan napalitan na sa pwesto ang pangunahing bansa sa listahan.

A person holding an Australian passport.

Australian passport holders can travel to 186 countries without a visa. Source: Getty, AFP / Patrick T Fallon

KEY POINTS
  • Hawak ng mga Singaporean ang world's most powerful passport, ayon sa pinakahuling Henley index.
  • Naungusan ng Singapore ang Japan, na ngayon ay nasa ika-tatlong pwesto.
  • Umangat ang ranking ng Australia sa ika-anim na pwesto.
Napalitan na ang Japan bilang passport na pinaka-makapangyarihan sa buong mundo base sa Henley index. Umangat din sa listahan ang ranggo ng Australia.

Makalipas ang limang taon sa unang pwesto, na-ungusan ito ng Singapore ngayong taon na may kakayanang bumisita sa 192 travel destinations mula sa 227 lugar sa buong mundo na walang kailangang visa.

Ang Germany, Italy, at Spain naman ay umusad sa sa ikalawang pwesto na may visa-free access sa 190 destinasyon.

Ang mga Japanese passport holders ay kabilang sa anim na bansa - Austria, Finland, France, Luxembourg, South Korea, and Sweden - na nasa third place, habang ang United Kingdom naman ay umangat sa fourth place.

Mula sa ika-walong pwesto, umangat rin ang Australias sa ika-anim na pwesto, kung saan ang mga ay maaring bumiyahe sa 186 na destinasyon, () na walang visa, o maaring makakuha ng visa, visitor's permit, o electronic travel authority (ETA) sa paglapag sa lugar.
Infographic showing the world's most powerful passports
According to the Henley Passport Index, Singapore has the world's most powerful passport, while Australia ranks sixth. Source: SBS
Patuloy naman ang pagbaba sa pwesto sa index ng United States kung saan muli itong bumagsak ng dalawang ranggo na ngayon ay nasa ika-walong spot at may access sa 184 destinations na visa-free.

Ang UK at US ay parehong nakakuha ng unang pwesto noong 2014 pero nagpatuloy ang pagsadsad ng mga ito sa nagdaang sampung taon.

Nanantili sa huling pwesto ang Afghanistan na may visa-free access score na 27, kasunod ng Iraq na may 29, at Syria na may 30 - na itinuturing na pinaka mahinang pasaporte sa buong mundo.

Ano ang Henley Passport Index?

Gumagamit ito ng data mula sa International Air Transport Authority (IATA) para ikumpara ang o visa-free access ng 199 pasaporte ng mga bansa sa 227 destinasyon

18 taon na itong pinapatakbo ng Henley & Partners, isang London-based investment migration consultancy firm.
Kahit doble na ang bilang ng mga walang visa na destinasyon na maaring marating ng mga travellers mula 58 noong 2006 at 109 ngayong 2023, mas lumawak pa ang pagitan sa nangunguna at pinakahuling pasaporte.

Ayon sa 2023 index, ang mga citizens ng top-ranked Singapore ay maaring makapunta sa karagdagang 165 destinations na hindi nangangailangan ng visa kumpara sa mga mula sa Afghanistan.

Anong mga bansa ang hindi nangangailangan ng visa?

inilathala din ng Henley & Partners ang research sa ugnayan ng pagiging bukas ng isang bansa na tumanggap ng mga dayuhan sa pagiging malaya ng mga mamamayan nito na makapamasyal.

Sa bagong ay naka ranggo ang 199 bansa ayon sa bilang ng nationalities na kanilang pinapayagang pumasok na walang hawak na visa.
Karamihan sa top 20 "most open" countries ay mga maliliit na island nations o African states, maliban sa Cambodia. Nasa ika-16 na pwesto dito ang Pilipinas na 74th naman ang ranking ng pasaporte at maaring bumiyahe sa 66 destinasyon na visa-free.

Mayroong 12 bansa na hindi nangangailangan ng visa o visa-on-arrival entry sa lahat ng 198 pasaporte sa buong mundo.

Ito ay ang Burundi, Comoro Islands, Djibouti, Guinea-Bissau, Maldives, Micronesia, Mozambique, Rwanda, Samoa, Seychelles, Timor-Leste, at Tuvalu.

Share
Published 20 July 2023 11:17am
By Jessica Bahr
Presented by Edinel Magtibay
Source: SBS


Share this with family and friends