Hindi na magiging sapilitang ang delivery ng mga sulat araw-araw ng Australia Post, habang sila ay lumilipat sa isang bagong business model na nakatuon sa e-commerce at mga package.
Sa ilalim ng mga pagbabagong ipatutupad sa susunod na linggo (Lunes, ika-15 ng Abril), maaasahan ng mga Australyano na ang mga standard letters ay maihatid kada ikalawang araw.
Magiging prayoridad pa rin ang express mail at mga parcel para sa araw-araw na paghahatid o delivery, sa ilalim ng unang yugto ng mga bagong pamantayan na may layuning magkaroon ng mas financially sustainable na business model.
Lumabas sa national trial ng bagong delivery system ang nagsabing ang mga postal worker ay makapagdadala ng 20 porsyento pang mga packages kapag hindi nila ginugol ang oras sa paghahatid ng mga sulat, na nagpapataas sa productivity.
"The regulations governing Australia Post had previously required us to focus on everyday letter delivery, even when there were no letters to deliver," sabi ni Paul Graham, ang CEO at managing director ng Australia Post sa isang pahayag.
"The new regulations will enable Australia Post to focus on what Australians want most; flexible and more reliable parcel deliveries with enhanced tracking technology.
"Households now receive about two letters per week, and we expect this to halve in the next five years."
Hindi maapektuhan ang post office numbers
Sinabi ni Communications Minister Michelle Rowland na walang mga pagbabago sa minimum na bilang ng mga post office sa buong bansa.
Sinabi niyang kailangan ng Australia Post na ibatay ang sistema kung paano gumagamit ang mga Australyano ng serbisyo.
"Australia Post can't stand still. Consumer and small business demands are changing, and Australia Post also needs to adapt," saad nito.

The average Australian posts 15 letters a year and receives two a week, according to Australia Post. Source: AAP / Dan Himbrechts
Ngunit ang dami ng mga sulat ay bumaba ng mahigit 60% mula nang nag-peak noong 2008.
Sinabi ni Finance Minister Katy Gallagher na ang mga hakbang ay kailangan upang mapanatili ang kakayahan ng government-owned corporation matapos itala ang isang pagkalugi na nagkakahalaga ng $200 milyon noong nakaraang taon.
"The fiscal sustainability of Australia Post is vital to the government’s ongoing commitment to provide high-quality postal services to Australians," giit nito.
Sinabi ng Australia Post na ang bagong modelo ng delivery ay ipapatupad nang pambansa bago matapos ang 2025.