COVIDSafe app: Mga dapat mong malaman tungkol sa coronavirus contact tracing app

Inilunsad ng gobyerno ang COVIDSafe app—isang tracing app na tutulong sa pamahalaan upang mapadali ang pagkontak sa mga taong na-expose sa COVID-19 virus. Narito ang mga kailangan ninyong malaman tungkol sa mobile app na ito.

A close up of the government's coronavirus tracing app.

Source: SBS


Para saan ang app na ito?

Inaasahang makakatutulong ang app sa pag-trace ng mga kaso ng coronavirus at mga taong nagkaroon ng contact sa mga nag-positibo sa virus. Gamit ang data na nasa mobile phone, mas mapapadali para sa mga awtoridad ang pagtukoy ng mga taong nakasalamuha ng nagpositibo sa virus.

Habang bukas ang app sa telepono, mairerekord sa app kung ang isang tao ay may layo na 1.5 metro sa ibang tao at nakipagsalamuha ito ng hindi bababa sa 15 minuto.

Boluntaryo ang pag-subscribe sa COVIDSafe app. Samantala, inererekomenda ng gobyerno sa lahat ng mga Australyano na i-download ito dahilan sa mas makakatulong ang app para ma-track ang virus kung mas maraming Australyano ang gagamit ng COVIDSafe app.

Paano gagamitin ng awtoridad ang COVIDSafe data?

Binuo ang COVIDSafe app upang mas mapabilis ang kasalukuyang manu-manong proseso sa paghahahanap ng mga taong nakasalamuha ng nagpositibo sa COVID-19. Sa pamamagitan nito, mababawasan ang posibilidad na maipasa ang virus sa mga kapamilya, kaibigan at iba pang miyembro ng komunidad, na hindi mo namamalayan.

Maari lamang ma-access ng mga health officials ang mga impormasyon sa app kung may nagpositibo sa virus at nagbigay ka ng pahintulot na makuha ang impormasyon sa iyong mobile phone. Gagamitin nila ito upang masabihan ang sinumang kinakailangang mag-quarantine o kumuha ng test.

Ang COVIDSafe app ay ang natatanging tracing app na inaprubahan ng Pamahalaang Australya. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang

Anong personal na impormasyon ang kailangan mong i-share sa COVIDSafe app?

Kapag dinownload mo ang app, kinakailangan mong ibigay ang iyong pangalan, mobile number, at postcode, at pumili ng edad sa age range. Makakatanggap kayo ng text message bilang kumpirmasyon ng pag-install. Mag-gegenerate ang system ng unique encrypted reference code.

Made-detect ng COVIDSafe App ang ibang devices na may naka-install na COVIDSafe app at Bluetooth. Kapag na-detect ng app ang iba pang user, kinukuha nito ang ilang data tulad ng petsa, oras, distansya, kung gaano katagal ang nagging contact ng isa pang user, at ang reference code nito. Hindi nirerekord ng COVIDSafe app ang lokasyon ng gumagamit ng app.

Ayon sa gobyerno ang impormasyon ay naka-encrypt at ang encrypted identifier ay naka-imbak nang ligtas sa telepono ng gumagamit ng app. Ang impormasyon na nasa telepono ay mabubra matapos ang 21 araw na rolling cycle. Kasama na dito ang incubation period ng virus at ang panahong kakailanganin bago magpa-test.

Anong mangyayari kung nagpositbo ang gumagamit ng app?

Kapag may nasuri na nagpositibo sa COVID-19, ang naka-encrypt na impormasyon ng contact mula sa app ay mai-upload sa isang secured system, kung pahihintulutan ng gumagamit.

Ang mga ito ay magiging aksyon ng mga awtoridad:

  • gagamitin ang mga contact na nakuha ng app upang madaling ma-trace ang contact
  • tawagan ang mga tao upang ipaalam sa kanila o sa kanilang magulang / tagapag-alaga na maaaring na-expose sila
  • magbigay ng payo sa mga susunod na hakbang, kabilang ang:
  • ano ang dapat alamin
  • kalian, paano at saan pwede magpa-test
  • anong maaari mong gawin upang maprotektahan ang iyong kapamilya at kaibigan na ma-expose
  • hindi papangalanan ng mga opisyal ang sinumang magpositibo sa virus
Kung nag-aala ka sa privacy ng iyong data, basahin ang .


Lahat ng tao sa Australya ay kinakailangang panatilihin ang distansya na 1.5 metro sa ibang tao. Ang mga pagtitipon ay limitado sa dalawang tao lamang, maliban na lamang kung kasama mo ay kapamilya o kasambahay.

Kung sa tingin mo ay nakuha mo ang virus, tawagan ang iyong doktor (huwag bumisita sa clinic) o kontakin ang national Coronavirus Health Information Hotline 1800 020 080. Kung nahihirapan kang huminga, o may emergency, tumawag sa 000.

Makakaasa kayo sa SBS para ihatid ang mahalagang impormasyon tungkol sa COVID-19. Maaaring makakuha ng balita at impormasyon sa 63 wika sa .


Share
Published 28 April 2020 12:00pm
Updated 4 May 2020 10:13am
By SBS RADIO
Presented by Roda Masinag
Source: SBS News, Australian Government Department of Health


Share this with family and friends