Bagong dating ka man sa Australia o pinapakilala mo sa bisita ang Australian food, ang bansang Australia ay may maraming kakaibang maiaalok.
Sa ikalawang episode ng Australia Explained podcast, ipapakita namin ang pinakasikat at kakaibang pagkain sa Australia.
Pakinggan sa Australia Explained ang mga kwento sa likod ng mga sikat na pagkain ng Australia:
LISTEN TO

Australia Explained: Alamin ang kwento sa likod ng mga sikat na pagkain sa Australia
SBS Filipino
29:52

Pavlova one of the most famous Australian desserts. Source:Flickr-lokate366CC BY-SA 2.0 Source: Flickr-lokate366CC BY-SA 2.0
Isa sa pinaka-popular na Australian desserts o panghimagas sa tag-init at Pasko ay ang Pavlova.
Malabo man ang kasaysayan ng Pavlova sa Australia. Pero para sa mga Australian, itong dessert ay dinesenyo bilang karangalan ng bansa sa pagbisita ng sikat na Russian ballerina na si Anna Pavlova noong taong 1926 hanggang 1929.
Subalit ang bansang New Zealand ay nagsabing ang ilan sa kanilang cookbooks, na mas matagal pa sa pagbisita ni Pavlova sa bansa, ay idinetalye na umano ang paraan sa paggawa ng Pavlova. Ang pagtatalong ito ay itinuring na pinakasikat na isyu hingil sa kultura ng dalawang bansa.
Lamington
lamington cake Source: Getty Images
Dahil lubusang napamahal sa mga Australians ang lamingtons, kada ika-21 ng Hulyo ipinagdiriwang ang Special Lamington National Cake Day. Ang malambot na cake na ito ay inilubog sa tsokolate, pagkatapos ay pinagulong sa dessicated coconut.
Ang pinakaunang recipe ng lamington cake ay higit isang daang taon na ang nakakaraan at ipinangalan ito sa pinaka-unang gobernador ng Queensland na si Lord Lamington.

Vegemite is one of the main ingredients in an Australian breakfast. APP Image -AP Rod McGuirk Source: APP Image-AP Rod McGuirk
Halus isang daang taon ng nagbibigay ng kakaibang lasa sa hapagkainan ng mga Australians ang vegemite.
Original itong ginawa tulad ng sikat na British ‘Marmite’ at dahil natigil ang supply nito mula sa Britanya matapos ang World War I. Kaya nawala ito sa pamilihan hanggang sa taong 1922 nag-eksperimento at nagawa ang Vegemite.
Ang palaman na ito ay gawa mula sa barley waste matapos ang produksyon ng beer na hinaluan ng pampalasa mula sa mga gulay.
Mas sumikat ang vegemite sa panahon ng World War II matapos isinama itong pinadala ng pamahalaan ng Australia bilang pagkaing rasyon sa mga sundalo na nasa gyera. Isang paraan ito para muling mabuhay sa kanilang puso’t isipan ang bayan nilang kinagisnan habang nakikipaglaban sa ibang bansa. Dumating ang taong 1940’s at ang vegemite ay masisilayan na syam sa sampung tanahan sa Australia.
Weetbix

Cereals can be complex carbohydrates and some are full of nutritious whole grains. Source: Flickr
Sa kalagitnaan ng taong 1920’s unang ginawa ang Weet-Bix sa Sydney, na katulad sa kakumpetensyang produkto na Sanitarium. Dahil mas mura at tinaguriang masustansya na pagkain, ngayong binansagan itong paboritong pagkain sa almusal sa panahon ng Great Depression noong 1929. Kasama din ito sa pagkaing rasyon ng mga sundalo sa panahon ng World War II.

Tim Tam favourite chocolate biscuit in Australia. Source:Flickr Source: Source:Flickr
Ito ang tinatawag na Bikky sa lingwahe ng Australia o Aussie slang na seguradong nami-miss matikman na panghimagas kapag matagal na mawalay sa bansa lalo na silang mga Australian citizens.
Gawa ito sa magkapares na choclolate biscuit, na may palamang chocolate cream na inilublob sa tsokolate.
Ang recipe na ito ay ginawa noong 1958 ng Arnotts’s Biscuit Company na ang may -ari ay si Ross Arnott. Ang biskwit ay pinangalan sa isang kampeon sa racehorse na si Tim Tam.
Umarangkada ito sa pamilihan noong taong 1964 at naging pinakatanyag na biskwit sa buong bansa. Kasabay ng kasikatan lumikha ng panibagong uri ng biskwit ang kompanya gaya ng double-coated, caramel mint at marami pang iba, sumikat din ang nadiskubreng paraan sa pagkain ito na Tim Tam Slam.

Kangaroo tail cook on a fire on Mutitjulu land in the Northern Territory on Wednesday, Feb. 10, 2010. Source - AAP Image - Paul Miller Source: Source - AAP Image - Paul Miller
Nakilala bilang pambansang simbolo ng Australia at dahil mabilis dumami ang kanilang bilang, naging kasama na ito sa hapagkainan pero hindi sa lahat ng Australian. Dahil sa mababa ang taba ng karne ng kangaroo, tinagurian itong magandang alternatibo na red meat. Ka-lasa nito ang baka pero mas mataas ang protein at iron content, mababa din sa calories at magandang pagkukunan ng omega-3.

Witchetty Grub on hand. Source - Flickr - Doug Beckers Source: Source - Flickr - Doug Beckers
Kilala itong native sa Australia at tinawag naman na ‘witjuri’ ng mga katutubong mula sa Adnyamathanha people ng Central Desert sa South Australia. Popular itong niluluto ng mga First Nations, at nakukuha sa mga ugat ng Witchetty bush. Ang uod na ito ay puno ng sustansya kaya pangunahing sangkap ilang libong taon na ang nakakaraan.
Subalit hindi pumasa sa panlasa ng mga European ang pagkaing uod kaya noong kapanahunan ng kanilang pananakop, hindi ito popular.
Pero sa pagdating ng panahon marami ng naghahanap sa mga restorant, lalo’t kapag iniihaw ito, magkahalong sarap ng manok at hipon ang lasa nito!
Meat pies

Pie eater's view of the footy Source: Flicker - Marc Ellis
Kung may hamburger ang Estados Unidos, meat pies naman ang pambato ng Australia. Halus lahat ng bakery meron ito, lalo’t umaabot sa 270 milyong meat pies ang nakakain ng mga Australian sa isang buong taon!
Ang halus kasing laki lang ng kamao na pie na ito ay gawa sa minasang harina na may palaman na karne na iniluto sa oven. Kapag luto na karamihan sa mga Aussie ay binubudburan ng ketsup ang ibabaw. At ang pinakagusto ng lahat ay ang maalat-alat na lasa nito dahilan upang tinagurian itong tatak Aussie food, kahit pa hindi talaga ito original na gawa sa bansa.
Dahil ang pastries na may palaman na karne ay mula sa sinaunang Egytian, Greek at Roman civilisation, subalit ang pies ay galing sa sinaunang British recipes, kung saan paraan ito para hindi mabulok ang karne.
Taong 1850’s pa nang unang dumating sa bansa ang meat pies at mula noon hanggang ngayon kasama na ito sa pang-araw araw na pagkain ng mga Australians!
Pakinggan ang lahat ng episode ng Australia Explained sa pamamagitan ng Apple Podcasts, Google Podcasts, o Spotify.
Ang Australia Explained ay orihinal na nilikha ni Maram Ismail para sa SBS Arabic24.