Ano nga ba ang COVID 'bubble' concept, at gagana ba ito sa Australya?

Kailangan nating hanapin ang balanse sa pagitan ng peligro ng transmisyon at hamon ng mental health habang may lockdown. Ayon sa mga eksperto, ang bubble system ay maaaring makatulong sa pagpapagaan ng kalungkutan habang napapababa nito ang peligro ng impeksyon.

Dinner

Source: Shutterstock

Ang konsepto ng COVID-19 "germ bubble" ay tumutukoy sa mga close contacts nating hindi natin ginagamitan ng mask o physical distancing. Sa striktong lockdown, ang napapasama dito ay ang mga miyembro ng iyong tahanan. Ngunit sa ilang mga bansa, gaya ng New Zealand at United Kingdom, pinag-eeksperimentuhan ang bubbles na mas malaki kaysa sa iisang tahanan.

Ipapaalam sa Linggo ni Victorian Premier Dan Andrews ang kanyang mga plano sa pagtatatapos ng mga restriksyon. Marami ang interesadong makaalam kung ang bubble strategy ay bahagi nito pagkatapos kumpirmahin ni Chief Health Officer Brett Sutton na ang konspeto ay sumasailalim sa “active consideration”.

Gamit ang extended bubbles, maaaring kang mag-nominate ng ibang tao o tahanan na maaari kang magkaroon ng clost contact. Kinakailangang eksklusibo ito, upang di kumalat ang impeksyon, at kinakailangang nasa parehong bayan o siyudad kayo ng iyong nominated households.

Isa itong paraan upang mabalanse ang peligro ng exposure sa COVID-19 at pangangailangang magkaroon ng social interaction. Pinapayagan nito ang mga vulnerable na mga tao at ang mga nag-iisa na magkaroon ng social connections upang makaya nila ang stress ng pandemya.

Habang may mga kasamang peligro ang ideyang ito, mahalagang may malasakit ang pamahalaan sa kanilang mga restriksyon na ipapatupad. Ang pandemya ay isang marathon, at hindi sprint, ay kung pakiramdam ng mga tao na ang mga polisiya at isinagawa ng may malasakit, mas ma-eenganyo ang mga taong sumunod sa mga restriksyon.

Bubbles sa Tasman

Sa kasalukuyang lockdown sa Victoria, restricted ang germ bubble sa mga tahanan ng bawat isa. Pinapayagan lamang bumisita ang mga may "intimate relationship".

Dahil dito, lumalala ang kalungkutan at malaki ang epekto nito sa mental health. At maraming mga single na tao at mga tao mula iba't ibang family structures ay napag-iiwanang nakakaramdam ng kabiguan.

Ang ninanais ng ideya ng bubble ay malampasan ang mga ito sa pagpayag na magkaroon ng close contact and mga tao sa isang defined at eksklusibong grupo. Bago ang konseptong ito at hindi ginamit sa pag-manage ng epidemya ng SARS noong 2003.

Ang New Zealand ang unang bansa na magpatupad ng extended bubble habang may COVID-19. Pinapayagan ang mga tao dito na magkaroon ng close contect sa ibang mga miyembro ng kanilang pamilya na hindi nila kasama sa bahay sa ilalim ng "alert level 3" na mga restriksyon. Ang bubble extension na ito ay isang compassionate na solusyon para sa mental health na epekto na dala ng mga striktong lockdown.

Hindi lang basta nagpapakita ng malasakit ang approach na ito, kundi realistic padating sa modernong social structure ngayon.

Ang mga mahahalaga nating relasyon ngayon at kumplikado at culturally diverse. Kasama sa pagkakaintindi natin ngayon sa kung sino ang pamilya natin ang blended families, step-family members, partners, lovers at malalapit na kaibigan - na ang marami doon ang malamang hindi nakatira sa ating tahanan.

Maaaring maka-benepisyo ang isang compassionate germ bubble sa komunidad habang pababalik-balik tayo sa lockdown.

Ginamit rin ang bubble approach na ito sa UK noong magluwag sila ng restriksyon noong Hunyo. Pinapayagan noon ang single-person households na gumawa ng bubble sa isang multi-person household.

Paano ang mga peligro?

Kahit man may social benefits ang konseptong ito, may mga peligro na dala ang mga virus na kasing infectious ng SARS-CoV-2. Kailangan suriing mabuti ang mga advantages ng compassionate approach sa mental well-being ng mga tao at ang peligro ng infection transmission.

Kung ipapatupad ang bubble system sa Australya, kailangan ng formalised process sa pagsalin ng germ bubble. Kinakailangang limitado ang bilang ng mga taong pinapayagan sa isang bubble. 

Kinakailangang eksklusibo ang bubble. Kung ika'y nagpasyang mag-bubble kasama ng isa pang tahanan, hindi ka maaaring magpalit ng iyong desisyon sa iba pang tahanan kapag nais mo. Kung kinakailangan mong baguhin ang iyong bubble, kinakailangan mo ng 14-day gap sa pagitan ng isang grupo ng mga mga taong aalis at bagong grupong sasali upang mabawasan ang peligro ng transmisyon sa pagitan ng mga bubbles.

Maaaring makatulong sa nomination process ang isang bubble tracker. Kakailanganin ng app ang consent ng mga kasali sa bubble. Kakailanganin ding suriin ang mga iba't ibang lugar pagdating sa digri ng transmisyon sa mga ito.

Halimbawa, kung ang isang miyembro ng multi-household bubble ay nakatira sa isang lugar na may very high community transmission, magiging malaki ang peligro nito sa buong bubble, kahit na nakatira ang ibang miyembro ng bubble sa lugar na mababa ag transmisyon. Ibig sabihin nito na maaaring makapasok ang virus sa lugar na mababa ang transmisyon dahil sa bubbles. Maaari ring maging peligro ang mga taong nagtatrabaho sa mapligrong lugar o trabaho.

Ang layuin ng epidemiology ay pababain ang peligro sa abot ng makakaya, ngunit sa panahon ng mahabang pandemya, kailangang alalahanin din ang pagmamalasakit (ng hindi pinapalala ang peligro sa komunidad).

Ang pagkakaroon ng malasakit at pagsunod

Naghahatid ng stress ang isolation at maaaring mas di ganahan ang mga taong sumunod sa mga restriksyon. Ngunit, ang compassionate germ bubble ay maaaring magbigay ng karagdagang lakas sa pagtanggal ng sense of isolation ng mga taong nakatira sa bahay mag-isa at mas mababawasan ang stress ng mga kaibigan at extended family buhat ng paghihiwalay.

Ang pagbuo ng compassionate bubble para sa mga susunod na plano para sa lockdown ay makatulong  magpalakas ng ang ating loob sa isang mahabang pandemya na maaaring maghatid ng multiple lockdowns at ringfencing ng hotspots. Mas ma-eenganyo ring sumunod sa mga restriksyon ang komunidad kapag nakita nila ang pagmamalasakit. Hindi na lamang sila susunod kasi napipilitan sila.

Ang mga awtoridad na tumutugon gamit ang siyentia ay titingnan bilang marunong at maaasahan. Ngunit hindi sila maaaring magtipid sa pagmamalasakit. Ang isang ligtas at compassionate na plano ay magdadala ng malaking posibilidad na hindi manloloko ang mga tao sa kanilang pagsasalin ng multiple germ bubbles. Ang compassionate approach, kasama ang kinakailangang checks at balances, ay maaaring maghatid sa komunidad ng konklusyon na ang mga awtoridad ay maasahan na makakahatid sa atin ng ligtas papalabas ng COVID-19.
count.gif?distributor=feed-factiva
Si Mary Louise McLaws ay miyembro ng World Health Organization Emergencies programme ad-hoc COVID-19 Infection Prevention and Control Guidance Development Group


Share
Published 4 September 2020 10:43am
By Mary-Louise McLaws
Source: The Conversation


Share this with family and friends