Ang paghahanda ng Sydney na ‘ipagdiwang ang pagkakaiba-iba’ sa WorldPride 2023

td4.jpg

Ang Trikone Australia ay nagsasagawa ng ilang mga kaganapan sa WorldPride 2023, isang malaking pagdiriwang ng komunidad ng LGBTQIA+ Credit: Trikone Australia

Key Points
  • WorldPride 2023 ay gaganapin sa Sydney simula ng ika-17 ng Pebrero hanggang 5 Marso
  • Ito ang unang pandaigdigang LGBTIQ+ na kaganapan na isasagawa sa Southern Hemisphere
  • Ang taong 2023, ay ang ika-45 na anibersaryo ng Sydney Gay at Lesbian Mardi Gras
Taong 2000 ng unang sinimulan ang WorldPride, ito ang selebrasyon ng magkakaibang LGBTIQ+ community na naglalayong itaas ang isyu ng karapatang pantao, pandaigdigang pagkakapantay-pantay , pagkakaiba-iba at pagsasama.

Bilang bahagi ng WorldPride 2023, nitong taon ang Sydney Gay at Lesbian Mardi Gras Parade ay babalik sa orihinal itong ruta sa Oxford Street 25 ng Pebrero upang ipagdiwwang ang ika-45 anibersaryo nito.

td3.jpg
Isang kaganapang itinanghal ng Trikone Australia, isang social group para sa LGBTIQ+ community. Credit: Trikone Australia
“Ipapakita ng Sydney WorldPPride 2023 ang NSW sa buong mundo at inaasahan naming higit 500,000 katao ang dadalo sa pagdaigdigang kaganapang ito na magbibigay ng $112 milyon sa ekonomiya ng NSW,” sinabi ito ng

Bilang bahagi ng makasaysayang kaganapan, ang Sydney Harbour Bridge ay isasara sa trapiko sa ika-5 ng Marso.

“Ang kamangha-manghang mga larawan ng 50,000 mga tao na nagmamartsa sa aming iconic Sydney Harbour Bridge ay ipapakita sa buong mundo,” sabi ng Minister for Metropolitan Roads na si Natalie Ward.
td5.jpg
Isa sa mga Trikone Australia na kaganapan. Credit: Trikone Australia
 Ang festival na ito ay dadaluhan ng kasama ang kanyang Foreign Minister na si Penny Wong, na kinikilala bilang lesbian woman.

Si Albanese, ang unang nakaupong punong ministro ng Australia na nagmartsa sa parada ng Mardi Gras, na nagsabi “ Marami kaming nagsasalita tungkol sa pagpaparaya- at ang pagpaparaya ay talagang mahalaga- ngunit ito ay tungkol sa isang hakbang na mas mahalaga kaysa pagpaparaya.”

“Kailangan nating ipagdiwang ang ating pagkakaiba-iba, hindi sapat na magparaya lamang, dahil ang ating pagkakaiba-iba ay ang nabibigay ng lakas sa ating lipunan,”dagdag nito.


PACIFIC ISLANDS FORUM FIJI
Australian Prime Minister Anthony Albanese (kanan) at Australian Foreign Minister Penny Wong (kaliwa) Source: AAP / BEN MCKAY/AAPIMAGE

Ang pamana ng Mardi Gras sa Australya

Nagsimula ang lahat noong ika-24 ng Hunyo taong 1978 nang ang isang maliit na grupo ng mga taong kiniklala bilang gay at lesbian (tinawag na Gay Solidarity Group) ay nag-organisa ng isang araw na kaganapan sa Sydney.

Ang kanilang layunin ay magkaroon sila ng boses laban sa pang-aapi at diskriminasyong kinakaharap ng mga taong may magkakaibang sekswalidad

Plano ng grupo na magsagawa ng isang parada sa kalye sa gabi na sinundan ng isang pagmartsa sa madaling araw at pampublikong pagpupulong sa umaga

Matapos ang marahas na pagtugon ng mga pulis, inaresto ang dose-dosenang lumahok, ang parada ay lumikha ng ingay sa komunidad kaya naging sanhi ng sentro ng usap-usapan.

Mula noong unang taon, ang Sydney Gay And Lesbian Mardi Gras ay naging isa sa pinakamalaking LGBTIQ+ festival sa buong mundo.

Mayroon bang representasyon mula sa Timog Asya?

Sa WorldPride 2023 itatampok ang higit sa 300 na mga aktibidad, ang lahat ay sa ilalim ng temang 'Gather, Dream and Amplify' o ‘Magtipon, Mangarap at Palakasin’.

Kabilang dito ang isa sa pinakamalaking Human Rights Conference na idinaos sa Asia-Pacific, na nagtatampok ng mahigit 60 speaker mula sa buong mundo, kabilang ang mga komunidad sa Timog Asya.
td7.jpg
Trikone Australia's team Credit: TA
Upang markahan ang ika-45 na anibersaryo ng unang Sydney Gay and Lesbian Mardi Gras, inihayag din ng Sydney WorldPride ang 45 Rainbow Champions na nagbigay ng kontribusyon sa komunidad ng LGBTIQ+ sa Australia.

Kabilang sa mga maimpluwensyang tao si Maria Tatthil ang 2020 Miss Universe Australia, na may lahing Indian.

Ang festival na ito ay nagbukas din para sa queer Bollywood dance party 'Bar Bombay' at 'Sunderella', ito ay isang musical play na inorganisa ng non-profit organisasyon na Trikone Australia (TA).

Sabi ni Kshitija Deshmukh mula sa TA ang kanyang organisayon ay nakatuon sa pagbibigay ng mga ligtas na espasyo sa komunidad ng LGBTIQ+ sa Timog Asya o South Asia sa loob ng mahigit 15 taon.

.
td1.jpg
Isa sa Trikone Australia na kaganapan. Credit: TA
“Habang hitik na kilala ang Bollywood na nagbibigay ng excitement sa madla ng Australia at sa buong mundo. Pinalalaki namin ang representasyon taon-taon ng pan-South Asian, habang lumalaki ang komunidad- ito man ay sa pamamagitan ng regional representation sa entablado o kaganapan at mga pagtitipon.
 
"Ang patuloy na paglikha ng mga puwang para sa aming makulay na komunidad ay ang nananatiling aming gustong gawin o passion," dagdag nito.

LISTEN TO
Hindi_GhulamAli.mp3 image

'Nakakasama ng loob dahil hindi ako pinapayagang magtanggal sa India': Legendary Pakistani na mang-aawit Ghulam Ali

SBS Hindi

11:19
Para naman kay Kashif Harrison, isa sa mga performer o tagaganap ng play na 'Sunderella', ito ay tungkol sa pagpapahayag at pagpapakita sa buong mundo.

“Nasasabik at masaya ako na naging bahagi ng musical play na ito. Mayroong 17 casts na may South Asian background at ito ay tungkol sa pagmamahal at pagtanggap…na talagang tugma sa tema ng taong ito,” komento nito.

Makinig sa alas 5 ng hapon araw-araw at subaybayan kami sa at

Share
Published 24 February 2023 9:48am
By Natasha Kaul, Carl Dixon
Presented by Shiela Joy Labrador-Cubero
Source: SBS


Share this with family and friends