Mahirap na unawaing pagkakakilanlan: lumaking isang gay at Asyano sa rural Australia

“Hindi ka nag-iisa. Maraming mga tao na tulad mo. Ikaw ay palaging mamahalin kahit sino ka man." Larawan: Chris Mangubat (Instagram: @babysweetmango)

Identity complex: Chris Mangubat

Image: Chris Mangubat (Instagram: @babysweetmango). Source: Chris Mangubat

“Noong isang araw, aking nakita ang isang profile na nagsasabi na 'walang pampalasa o kanin (‘no spice or rice’) at isa pa na nagsasabi na "mahal ko ang pagkaing Asyano - hindi nga lang ang mga Asyanong kalalakihan' (‘love Asian food – just not Asian men’. Ito ay nakakagulat, ngunit, kailangan mong tawanan na lamang ito."

Si Carlos ay nakakahanga. Sa kabila na lumaki bilang sa isa lamang sa ilang Asyanong pamilya sa isang rural na komunidad, at kinailangang inegosasyon ang kanyang sekswalidad sa kultural na inaasahan ng kanyang pamilya, ipinagmamalaki niya na maging isang bakla, at gayundin ipinagmamalaki niya ang kanyang pinagmulang Asyano. Ang matapang na pagsuway na ito mismo ay nakakahanga na.

Si Carlos ay ipinanganak sa Pilipinas, ngunit lumipat at nanirahan sa Wangaratta nang siya ay bata pa. “Ito ay naging mahirap para sa akin, sa panahong iyon, bilang nagmula sa isang pamilya na relihiyoso na walang nakikitang bakla na Asyanong huwaran."

Walang sinuman sa kanyang pamilya, mga kamag-aral o kaibigan ay bahagi ng komunidad LGBTQIA+. “Wala akong kakilala na lantad, lalo na sa Wangaratta,” sa kanyang pag-alala. “Ang tanging Asyano na kanyang napapansin sa media, habang siya ay nagkakaisip, ay si Jackie Chan.” Ito ay totoo; Napag-alaman ng Screen Australia na noong taong 2015, tanging 7% ng mga pangunahing karakter sa telebisyon sa Australya ay mga may pinagmulang Asyano, Aprikano o mula sa Gitnang Silangan, sa kabila ng sila ay bumubuo ng 17% ng Australyanong populasyon — at ito ang bilang na ito ay hindi pa nga itinuturing na isang karakter na bakla.

Si Carlos ay pumupunta sa simbahan dalawang beses kada isang linggo hanggang sa siya ay dumating sa gulang na 20;  ang kanyang mga magulang ay bahagi ng bilang ng mga Pilipinong Kristiyano. “Ito ay isang mahalagang bahagi ng mga buhay ng kanyang mga magulang at kapatid na babae, ngunit ako at ang aking ibang kapatid ay hindi masyadong nauugnay sa relihiyon."

"Sa tingin ko, malaki ang inaasahan ng mga magulang na mula sa may mga pinagmulang Asyano, na kanilang inilalagay sa kanilang mga anak," sa kanyang tala. "Nang lumipat at nanirahan ang aking mga magulang sa Australya para sa isang mas mahusay na buhay, nais nila na ang kanilang mga anak na magkaroon ng higit sa kung ano ang kanilang nagawa. Sila ay nagtrabaho nang husto upang bigyan ang kanilang mga anak ng isang matibay na edukasyon at isang mas mahusay na panimula sa buhay. "


Sa ganitong pagkakataon, inaasahan din na ang kanilang mga anak ay magtagumpay, tulad ng pagpasok sa unibersidad, makahanap ng matatag na trabaho, magkaroon ng asawa at magsimula ng pamilya. "Ang pagkakaroon ng isang homosexual na anak ay hindi pangkaraniwang naayon sa ekwasyong ito."


Una siyang nagkaroon ng kamalayan sa kanyang sekswalidad nang siya medyo bata pa. "Dati akong nanonood ng 90210 kasama ng aking mga kapatid na babae at naaalala ko na sa aking tingin si Luke Perry ay guwapo.” Siya ay mahilig sumali sa athletics at paglalaro ng mga Barbie. Naglaro din siya ng football noong siya'y nasa elementarya, dahil, bilang isang bata, sa tingin niya ay dapat niya itong gawin. Nang siya ay nasa hayskul na sa Wangaratta, ramdam niya ang pangangailangan na itago ang kanyang sekswalidad; dahil iyo ay nasa kalagitnaan ng taong dalawang libo, at siya ay nakatira sa isang rural na bayan na mayroon lamang isang lantad na baklang tao sa paaralan. At ang kanyang pamilya ay isa sa iilan lamang na Asyanong pamilya sa kanyang unang paaralan sa sekondarya, at nang siya ay nagbibinat, inawayan niya ang kultura ng kanyang pamilya dahil nais niyang mapabilang sa komunidad.

Siya ay madalas na ma-bully. Ito ay hindi kasing-hirap na siya ang mapahiya sa kanyang pinagmula nang siya ay mas bata pa; hindi lamang niay nais na maging iba sa kanyang mga ka-edad at kantiyawan para dito. Kaya, pagkatapos ng hayskul, sa edad na 18, siya ay lumantad sa kanyang mga kaibigan at kapatid. Sila ay nagpakita ng suporta sa kanya, tulad ng palagi nilang pagtatanggol kay Carlos sa paaralan sa mga pang-aapi.

Sa una siya ay nag-atubili na sabihin sa kanyang mga magulang, dahil sa kanilang mga pananaw sa relihiyon. Ngunit, sa gulang na 20, sinabi niya ito sa kaniyang ina. Sinabi niya sa kanyang ina na siya ay bakla, at siya din ay nalulumbay. Sumagot ang kanyang ina, na, kung ito ay ang isang bagay na magpapahinto sa kanyan na magpatuloy sa kanyang buhay,kung gayon, wala siyang dapat ipag-alala tungkol dito. At pagkatapos, hiniling ni Carlos sa kanyang ina na sabihin ito sa kanyang ama, dahil masyado siyang takot na makita ang reaksyon ng kanyang ama. "Nakita ko siya ilang buwan matapos ito (nakatira pa rin sa Wangaratta ang aking mga magulang habang ako ay nakatira sa Melbourne)," sa kanyang pag-alala. "At sinabi niya sa akin mahal niya ako kung sino pa man ako. Parang gumaan ang aking dalahin. At tunay na nagbago ang buhay ko sa puntong iyon. "

Subalit, pagkatapos ng isang kamakailan lamang na bakasyon ng pamilya, natuklasan ni Carlos na mga kamag-anak niya sa panig ng kanyang ama ay walang nalalaman sa kanyang pagiging bakla - sa kabila ng paglantad mahigit isang dekada na ang nakalipas. Itinuturing niya ang sarili bilang lubos na masuwerteng, sa kabila nito; hindi laging madali na lumantad sa iyong mga magulang, lalo na kapag sila ay may malakas na paniniwala sa relihiyon. "Sa tingin ko, mahirap para sa sinuman na umamin, anopaman ang etnikong pinagmulan ng isang tao," dagdag niya.

Ngunit, para kay Carlos, ‘ang kanyang paglantad’ ay hindi na mahalaga. “Ang iyong sekswalidad ay hindi na dapat pakialaman ng sinuman.” Ito ay lalong may kinalaman kapag isinasa-alang-alang ang kanyang trabaho bilang isang stylist, isang larangan na pumapayag para sa higit na pagpapahayag ng sekswalidad kumpara sa ibang larangan. “Ang aking trabaho ay karugtong ng kung sino ako, at nakagawa ako ng mga trabaho na sumasalamin ng aking sekswalidad. Iyong ang ganda ng pagta-trabaho sa isang masining na industriya - maaari mong gawin anuman ang nais mo sa iyong personal na gawain."

Sa pagsabi nito, bilang isang Asyano, sa tingin ba niya na mas mahirap na makibagay sa komunidad LGBTQIA+? “Sa palagay ko, may presensya ang mga Asyano, at isang partikular na hanay ng mga kalalakihan ay nagkakagusto sa amin. Gayunpaman, kung ira-ranggo ng buong komunidad kung anong lahi ang mas gusto nilang makasama, sa tingin ko, ang mga Asyano ay nasa bandang hulihan.”

Ito ang nasa sa isip, ano ang kanyang masasabi ang kanyang 15-taong-gulang na sarili? Sa walang kakaibang Asyanong role model sa kanyang rural na komunidad na maaaring tularan, at may paminsan-misan na rasismo na umuusbong sa loob ng komunidad, si Carlos ay isang pa-salungat na produkto ng kanyang panahon.

Siya ay tunigil sandali.

“Ikaw ay nag-iisa. Maraming mga tao na katulad mo. Ikaw ay palaging mamahalin kahit sino ka man."

Louis Hanson is freelance writer, student at the University of Melbourne, and LGBTQIA+ youth advocate. Instagram:  ; website: louishanson.com. Carlos’ Instagram: @carlosmangubat.
Image: Chris Mangubat (Instagram: @babysweetmango).



Share

Published

By Louis Hanson
Presented by SBS Filipino
Source: SBS


Share this with family and friends