Ilang araw bago ang Pasko, ipinag-utos ng mga namumuno sa bawat estado't teritoryo na magpatupad ng bagong travel restrictions para sa mga bibiyahe mula Northern Beaches at Greater Sydney, kung saan tumataas ang kaso ng coronavirus.
Umakyat na sa 70 kaso noong Linggo matapos magtala ng 30 bagong positive tests. Hindi pa rin matukoy ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sakit.
Sa anunsyo ni NSW Premier Gladys Berejiklian, muling isinailalim sa lockdown ang Northern Beaches sa Sydney mula 5pm noong sabado hanggang Miyerkules ng hatinggabi.
"Essentially, we will be going back to the restrictions that were in place back in March, just for the local government area of the Northern Beaches," she said.
Ang mabilis na pagtaas ng kaso ay nagdulot ng mga bagong paghihigpit sa mga taga Sydney at NSW lalo na sa mga nais pumunta sa ibang estado ngayong holidays.
Victoria
Ang mga residente ng Greater Sydney, kabilang ang Central Coast at Blue Mountains ay hindi papapasukin sa Victoria mula sa Linggo ng hatinggabi. Idineklara ni Premier Daniel Andrews ang buong rehiyon bilang "red zone".
Ang sinoman na papasok sa estado ay kailangan sumailalim sa 14-day hotel quarantine.
Ang mga kababalik lang na tagaVictoria ay inaasahan naman na magself-isolate ng 14 na araw sa loob ng bahay.

Source: AAP
Ang mga nasa Victoria na nanggaling sa Northern Beaches simula Ika-11 n Disyembre ay kinakailangan mag isolate at magpa-test.
Queensland
Inanunsyo ng health authorities ng Queensland na isasara nila ang borders sa mga taga-Greater Sydney.
Simula 1am sa Lunes, ika-21 ng Disyembre, ang Greater Sydney ay idedeklarang hotspot.
Ang mga nanggaling sa Sydney, the Blue Mountains, the Central Coast at Illawarra-Shoalhaven People mula ika-11 ng Disyembre ay di papapasukin sa estado. Kung magkakaroon ng exemption, sila ay kailangan sumailalim sa hotel quarantine sa loob ng 14 na araw.
Ang mga Queenslanders ay may hanggang 1am sa Martes na lamang para bumalik. Kailangan din nilang magpa-test at magself-isolate ng 14 na araw.

Queensland Premier Annastacia Palaszczuk speaks during a press conference in Brisbane, Sunday, 20 December, 2020. Source: AAP
"If you are from Greater Sydney, now is not the time to travel to Queensland," ayon kay Queensland Premier Annastacia Palaszczuk
Magkakaroon din ng mga checkpoints sa NSW border para ipatupad ang mga bagong patakaran.
The Australian Capital Territory
Mula Linggo ng hatinggabi, ipapatupad ng ACT ang 14-day quarantine sa mga magmumula sa Sydney, the Central Coast, Illawarra-Shoalhaven at Nepean Blue Mountains.
"If you are not an ACT resident and have been in any of these places, our message is simple ... do not travel to the ACT," ayon kay ACT Chief Health Officer Kerryn Coleman
Ang mga kasama sa bahay ng traveller ay dapat din mag-quarantine.
Walang ibibigay na exemption request ang ACT Health sa mga non-residents na manggagaling sa mga nasabing lugar maliban na lang sa mga "extreme extenuating circumstances" ayon kay Dr Coleman.
"I do understand that this will be difficult for many people and we definitely don't take these decisions lightly.
"While we will not have the restrictions in place any longer than we need to, we need the community to be prepared, this is likely to continue over Christmas and potentially into the New Year."
Western Australia
Ibinalik ng Western Australia ang mahigpit border restriction sa NSW dahil sa dami ng kaso sa Northern Beaches, ayon kay Premier Mark McGowan.
Mula Sabado, ang "low risk" rating ng NSW ay itinaas sa "medium risk". Ibigsabihin, ipapatupad ang mga dating limistasyon.
Papayagan lamang ang mga taong may special exemptions na makapasok sa WA.
"I understand this will be devastating news for people looking to meet family for Christmas in NSW," ayon kay Ginoong McGowan
The Northern Territory
Isinara na ng Northern Territory ang kanilang borders sa mga taga Greater Sydney ayon kay Acting Chief Minister Nicole Manison.
Ang mga magmumula sa Sydney, the Blue Mountains, the Central Coast and the Illawarra ay isasailalim sa 14-day quarantine pagdating sa NT.
"We've said that our number one priority is to protect the lives of Territorians, and that if we had to, we would go hard, wide and early," Ms Manison told reporters. "And we'd act quickly and today we have again."
Ang mga patakaran ay kaagad ipapatupad kaya walang ibang magagawa ang mga pasaherong padating sa estado mula sa Sydney.
Paglapag ng eroplano, papipiliin ang mga pasahero kung itutuloy ang 14-day quarantine o muling lilipad pabalik ng Sydney.
Tasmania
Tinukoy bilang high-risk region ng Health authorities ang buong Northern Beaches Local Government Area. Ipinagbabawal ang pagpasok ng mga biyahero sa Tasmania maliban kung sila ay essential traveller.
Dineklara ng Tasmania ang Greater Sydney area bilang "medium risk" mula ika-20 ng Disyembre. Ang sinuman na magmumula sa lugar ay dapat sumailalim sa quarantine na 14 na araw.
Ang mga nasa Tasmania na pero nanggaling sa mga nasabing lugar ay kailangan magpa-test at magself-isolate.
Kanselado naman ang sa unang pagkakataon. Dahil sa sitwasyon sa Sydney, aminado ang mga organisers na hindi nila ito maaring isagawa.
South Australia
Inanunsyo ni South Australian Premier Steven Marshall noong Linggo na isasara ang kanilang borders sa greater Sydney mula Linggo ng hatinggabi. Maglalagay ng checkpoints para magsagawa ng ng COVID19 test sa mga tao sa NSW road border crossings at sa Adelaide Airport.
Lahat ng mula greater Sydney ay sasailalim sa 14-day quarantine pagdating sa SA, at di papapasukin ang mga taga Northern Beaches.
With additional reporting by AAP.
Lahat ay kinakailangang panatilihin ang distansya na 1.5 metro sa ibang tao. Alamin ang mga limitasyon sa pagtitipon sa bawat estado.
Kung may nararamdamang sintomas ng sipon o trangkaso, tumawag sa inyong doktor para magpa-schedule ng test o tumawag sa national Coronavirus Health Information Hotline 1800 020 080.
Maaaring makakuha ng balita at impormasyon sa 63 wika sa
Basahin ang ibang impormasyon mula sa iyong estado at teritoryo: , , , , , , ,