Isang mabuting puso: isang kwento ng organ donation

Walang mas malakas na patunay ng mabuting puso kung di kapag pinagpasyahan ng isang tao na ibigay ang kanya sa iba.

Jaime Estrada

"I treat life now as if it’s only for today. I try not to worry about tomorrow." Source: Jaime Estrada

Nag-umpisa ang kwento ni Jaime Estrada sa ubong hindi niya ininda. 2003 noon, at nagtatrabaho si Mr Estrada sa isang fish and chips shop sa Toowoomba para sa kanyang asawang si Minnie at mga anak na sina Jessica at Maryjo. Akala niya passing condition lamang ang kanyang ubo. Hindi niya inakalang simtomas na pala ito ng ibang sakit.

"After a month of coughing, I found that my face and legs were swollen; so, I finally listened to my wife and went to the doctor. I found out I had pericarditis," aniya.

Ayon sa kanya, sinabi ng mga doktor na may virus na kumapit sa kanyang puso, at dahil dito, lumaki ito. Dahil sa paglaki ng kanyang puso, nasira ang mga muscles nito.

"I was a healthy person before," saad niya.

jaime
"I was a healthy person before." Source: Jaime Estrada
Ngunit, noong sumama ang kondisyon niya, naramdaman niyang bumagal ang katawan niya. Hirap na siyang maglakad. Lagi na siyang hinihingal. Napapansin ng pamilya niya na madali siyang antukin. Mabilis siyang mapagod, at kinailangan niyang isantabi na muna ang pagtatrabaho.

Saad ni Mr Estrada, na kahit nanghihina siya noon, "I could still tolerate it. I was fighting it."

Dinala silang mag-anak ng kanyang laban sa Sydney noong 2008 kung saan humingi ng tulong si Mr Estrada sa isang heart specialist mula St. Vincent's Hospital. Kahit binigyan siya ng gamot para sa kanyang mga simtomas, walang lunas ang kanyang sakit. Ayon sa kanyang doktor, gagaling lamang siya kung makakuha siya ng panibagong puso.

Tatagal ng apat na taon bago makakuha si Mr Estrada ng panibagong puso.

"In 2011, they told me that they had a heart for me. They said come to the hospital, but then they found out that the first heart offered to me was infectious so they couldn’t do a transplant on me that day."

Humingi ng paumanhin ang kanyang doktor. Nanatiling optimistic si Mr Estrada na may dadating na bagong puso. At pagkaraan ng tatlong buwan, mayroon ngang dumating.

"They called me up in the morning saying come over, there’s another match for you," aniya.

Naging matagal at mahirap ang recovery ni Mr Estrada pagkatapos ng transplant. Bago pa man siya umubo o bumahin, kinakailangan niyang maglagay ng unan o tuwalya sa kanyang dibdib para hindi bumuka ang kanyang dibdib.
jaime
Recovery was long for Mr Estrada. Source: Jaime Estrada
Naalala niya isang umaga na gumising siya't biglang bumahing. Dahil dito, biglang pumutok ang kanyang stitches. Kinailangan niyang dumaan sa isa pang operasyon upang matanggal lahat ng wires at palitan ang mga ito ng glue. Dahil dito, kinailangan niyang manatili sa ospital ng 41 na araw pa.

Kahit mahirap ang pinagdaanan ni Mr Estrada, malaki ang pasasalamat niya para sa kung anong meron siya ngayon.
jaime
Mr Estrada now has today with his family. Source: Jaime Estrada
"I treat life now as if it’s only for today. I try not to worry about tomorrow," saad niya.

Habang hindi na siya nag-aalala sa kung ano ang dadalhin ng bukas, panghabang-buhay siyang magpapasalamat sa pamilyang nagbigay ng regalo ng bagong puso sa kanya.

"I write to my donor’s family every year just to tell them that I’m okay. I always tell them that no matter how many years it has been, I am always grateful to them, that I keep them in my prayers."

Hindi niya kilala ang pamilya ng donor niya, pero ayon sa kanya, isa sa pinakamahalagang pag-aari niya ay ang sulat ng ina ng donor niya na nag-sasabi na ang anak niya "was outgoing, positive and had a good heart".  

"I wrote back, thank you for the heart of your son," aniya, "We're very similar."

BASAHIN DIN





Share
Published 28 January 2019 8:51am
Updated 30 January 2019 9:02am
By Nikki Alfonso-Gregorio


Share this with family and friends