1. Ang hand expression ng gatas mula sa suso ay isang importanteng skill.
Ang pagpapasuso ay isang normal na paraan ng pagbibigay ng nutrients na kailangan ng mga sanggol para sa isang malusog na paglaki at pagtubo. Lahat ng ina ay pwedeng magpasuso kung mayroong tamang impormasyon, suporta mula sa pamilya at sistema.
Ang ibig sabin ng Expressing milk ay ang pagpisil ng gatas mula sa suso upang ipunin at ipakain sa iyong anak.
2. Sa pagpapa-dami ng gatas: Ang suplay ay katumbas ng demand.
Upang makalabas ng maraming gatas, kailangang kunin ng sanggol ( o ikaw, sa pamamagitan ng pag-express) ang gatas mula sa suso.
Ang produksyon ng gatas ay isang proseso ng demand at suplay. Kung kailangan pataasan ang suplay ng gatas, mahalaga na mainitindihan kung paano ito ginagawa- ang kaalaman dito ay makakatulong sayo na gawin ang tamang bagay upang mas madami ang produksyon.
Upang mas mabilis ang produksyon ng gatas at mapadami ang pangkalahatang suplay ng gatas, ang susi ay magbawas ng mas maraming gatas mula sa suso at gawin ito palagi upang konting gatas lamang ang ma-iipon sa suso sa pagitan ng mga pagpapakain.
3. Maaring makaranas ng masakit, dumudugo at sugatang nipple.
Ang rason ng masakit at nasirang mga nipple ay ang maling paglatch ng sanggol sa suso. Kapag nagsimula sa pagpapasuso, magiging sensitibo ang mga nipple at maraming mga ina ang makakaranas ng maagang sakit sa nipple sa inisyal na paglatch. Gayunpaman, ang masakit na nipple ay gagaling ng mabilis kapag natutunan ang tamang paglatch ng iyong sanggol.
Kung maayos na nakalatch ang sanggol at sumisipsip ng maayos, hindi masakit ang pagpapasuso. Kung nasasaktan, kausapin ang isang midwife, consultant ng lactation o tawagan ang isang breastfeeding counsellor sa national Breastfeeding Helpline 1800 686 268 para sa suporta at impormasyon.
4. OK lang magpasuso sa pampublikong lugar at sa lugar trabaho.
May karapatan ang mga sanggol na mapasuso at may karapatan ang mga nanay magpasuso.
Sa pamamagitan ng pagpapasuso sa publiko, nagbibigay ng positibong imahe ng pagpapasuso ang mga kababaihan. Nakakatulong itong itaguyod ang kahalagahan nito sa lipunan at nakakatulong sa mga nanay maging mas komportableng magpasuso sa publiko.
Maaaring ipagpatuloy ang pagpapasuso sa iyong sanggol pagbalik sa trabaho. Kausapin ang iyong taga-empleyo tungkol sa planong pag-isahin ang trabaho at pagpapasuso bago umalis para sa maternity leave. Ito ay makakatulong sa inyong dalawang makapag-plano.

Hundreds of mums gathered in Sydney to protest against a TV host's comments about breastfeeding. Source: SBS
Bawal ang diskriminasyon
Labag sa batas sa lahat ng mga estado at teritoryo sa Australya ang diskriminasyon ng mga kababaihang nagpapasuso kabilang sa lugar trabaho. Ang pagpapasuso at responsibilidad ng mga pamilya ay sakop ng batas ng sex discrimination sa bawat estado at teritoryo.
Ang Australian Human Rights Commission ang tumitingin sa Sex Discrimination Act at ang pederal na katawan na tumatalakay ng mga reklamo na may kaugnayan sa pagpapasuso at diskriminasyon ng kasarian. Makukuha ang mga karagdagang impormasyon sa .
Rekomendasyon ng World Health Organisation ang eksklusibong pagpapasuso sa unang anim na buwan na buhay ng sanggol at upang mapatuloy ang pagpapasuso, kasabay ng ibang pagkain, hanggang 2 taong gulang pataas. Maaari kang magpasuso kahit gaano katagal mong gusto.
5. Mayroong mga "learning-to-breastfeed classes" sa buong Australia.
Sa mga nais matuto tungkol sa pagpapasuso, mayroong mga klase ng pagpapasuso na inaalok sa buong Australia upang maging handa sa pagsilang ng iyong anak.
Ang Australian Breastfeeding Association ay isang source ng mga impormasyon at suporta tungkol sa pagpapasuso. Upang makakuha ng kaalaman bisitahin ang .

Midwife supporting a breast-feeding mother Source: Westend61
Kapag hindi naging matagumpay sa pagpapasuso
Huwag mabahala kung hindi makapagpapasuso. Ilan sa mga nanay ay nakakaramdam ng pagkakasala kapag hindi sila nakapagbibigay ng gatas para sa anak at natural ang makaramdam ng ganitong emosyon. Pahintulutan ang sariling maramdaman ang emosyon ngunit huwag isipin ang sarili bilang isang kabiguan. Kahit nakapagsuso ang iyong anak ng isang araw, ito ay isang di-mabayarang regalo na maipagmamalaki.
Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong doktor.