5 masustansiyang inumin na dapat tikman ngayong Tagsibol

Ang Tagsibol ay panahon ng pamumulaklak ng mga prutas at gulay at ito rin ay perpektong panahon upang pumunta sa iyang lokal na merkado upang mamili ng mga sariwang pagkain. Narito ang 5 masustansiyang inumin na pwedeng subukan gawin sa bahay.

smoothies

Source: smoothies

1. Yoghurt Berry Beetroot Smoothie

Sa isang blender o food processor ihalo ang 1 cup ng natural na yoghurt, 1 1/2 cups ng sariwa at malamig na magkaibang berries, 1 maliit na nabalatang beetroot, 1-2 teaspoons ng tuyo o nababad na chia seeds, 1 1/4 cups na gatas ng niyog o nasalang tubig, 2 dahon ng mint (opsyonal). Ihalo at inumin kaagad.
Flickr/BarbaraLN CC BY-SA 2.0
Flickr/BarbaraLN CC BY-SA 2.0 Source: Flickr/BarbaraLN CC BY-SA 2.0

2. Antioxidant Smoothie

Ihalo ang 4 cups ng dahon ng spinach, 1 cup ng malamig na blueberries, 3 pitted dates, 1 cup ng strawberries at kalahating avocado sa isang blender o food processor at iprocess hanggang maging katas. Ihalo ang 1 cup ng malamig na pomegranate juice, 1 teaspoon ng nababad na mga flax seed o 2 teaspoons ng tuyo o nababad na chia seeds at ihalo upang maging makapal at creamy smoothie at lagyan ng natural na youghurt. Maaari din wisikan ng cinnamon kung nais.
Antioxidant smoothie
Source: Antioxidant smoothie

3. Carrot, Beetroot and Cucumber Juice

Hugasan at patuyo-in ang 5 malaking organik carrots, 1 maliit na nabalatang beetroot, 1 nabalatang organik cucumber. Ilagay sa juicer kasabay ng dalawang hiwa ng sariwang luya at 1/2 cup ng nasalang tubig, batihin sa isang teaspoon ng flax seed oil at 1 teaspoon ng powdered leaf greens o 1/2 teaspoon ng spirulina supplement. Inumin agad.
Flickr/4MamaMagazine CC BY 2.0
Flickr/4MamaMagazine CC BY 2.0 Source: Flickr/4MamaMagazine CC BY 2.0

4. Papaya Smoothie

Balatan at hiwain ang isang malaking papaya at ihalo sa 1/2 cup ng natural na yoghurt, 3/4 cup malamig na gatas ng almond o oat at 1 teaspoon ng papaya seeds hanggang maging makapal at creamy.
Papaya Pineapple Smoothie Recipe By Sameer Goyal
Papaya Pineapple Smoothie Recipe By Sameer Goyal Source: Papaya Pineapple Smoothie Recipe By Sameer Goyal

5. Pomme-Pom Juice

I-juice ang 2-3 apples at ihalo sa 1 cup na de-botelyang juice ng pomegranate. Patamisin gamit ang agave syrup at haluan ng nasalang tubig. Inumin kaagad.

Image

Masustansiya, sariwa at malamig! Ganito dapat ang simula ng ating Tagsibol.

BASAHIN DIN:
SUNDAN ANG  SA 


Share
Published 9 September 2018 9:35am
By Claudette Centeno-Calixto


Share this with family and friends