Mga mahahalagang kaalaman tungkol sa January 26

Alamin ang mga kaganapan at importanteng bahagi ng kasaysayan na kaugnay ng pagdiriwang tuwing January 26 sa Australia

Members of the public hold flags at an Australia Day Citizenship Ceremony

Members of the public hold flags at an Australia Day Citizenship Ceremony Source: AAP Image Mick Tsikas

1. Sa totoo lang.. hindi talaga January 26 ang petsa na dumaong sa Australia ang First Fleet

Ang First Fleet ang grupo ng mga barko mula England na naglayag para magtayo ng mga penal colony o kulungan sa labas ng kanilang bansa. Dumating sila sa Botany Bay sa pagitan ng  ika-18 at 20 ng .

Naghanap sila ng mga lugar na maaring pagtayuan ng kolonya. Nagpunta ang hukbo sa Sydney Cove noong January 25. Kinaumagahan, January 26, kinamkam ni   kasama ang kanyang mga opisyal ang lupain sa ngalan ni .

2. Alam mo ba na ang unang kasal sa pagitan ng isang Aboriginal person at preso ay nangyari noong January 26?  

Ikinasal si Robert at Maria Lock sa Paramatta noong January 26 1824. 

Walang kinalaman sa Australia Day ang kasal pero nagkataon na sa parehong petsa ito ginanap.

Pero si  ay isang mahalagang bahagi ng Aboriginal history. Mula sa tribo ng Boonooberongal ng Darug people si Maria. Sya anak ng isang  , na kilala bilang 'Chief of the Richmond Tribes', at kapatid ni Colebee. Nadakip si Colebee kasama si Bennelong noong 1789 at dinala sa Government House (kung saan nakatakas si Colebee).

Noong 1814, si Maria ang unang batang Aboriginal na pinapasok sa Native Institution sa Parramatta. Pinaniniwalaan na noong 1819, nanguna si Maria sa school examination ng higit 100 estudyante sa edad na 14.
St John's Cathedral Church in Parramatta
St John's Cathedral Church in Parramatta, built 1803 (Wikimedia Commons) Source: Wikimedia Commons
Ikinasal si Maria kay Dicky noong 1822. Si Dicky ay anak ni Bennelong, na nagkasakit at namatay ilang lingo matapos ang kasal.

Makalipas ang dalawang taon, muling ikinasal si Maria at napangasawa niya si Robert Lock, isang nakulong na karpentero mula Norfolk, England. Ito ang unang legal na kasalang Aboriginal-British sa kulungan. Ginanap ang seremonya sa St John's Church sa Parramatta. Namuhay ng matagal ang mag-asawa at nagkaroon ng sampung anak.

Nakilala si Maria sa kanyang di natitinag na pakikipaglaban at petisyon para sa lupain na ipinangako sa kanya ni Governor Macquarie bilang bahagi ng kasal.

Nakiusap sya sa Governor Darling, na isama ng kanyang pumanaw na kapatid sa pagbibigay ng kabahaging lupa sa Blacktown.

Nagtagumpay si Maria at nakamit ng 40 acres sa Liverpool noong 1833. Makalipas ang isang dekada, ipinagkaloob din ang 30 acres na lupain ni Colebee.

Isa itong makasaysayang tagumpay noong nineteenth century, di lang sa mga kababaihan na nagmay-ari ng lupain pati na sa mga babaeng Aboriginal.

Pumanaw si Maria noong 1878. Ang kanyang mga lupain ay binahagi sa siyam na anak. Nanirahan dito ang kanyang mga apo hanggang noong 1920 ay itinuring itong Aboriginal reserve na binawi ng Aborigines Protection Board.

3. Anong sinabi ni Henry Parkes tungkol sa 1888 Centenary celebrations

Noong pinaplano ni Henry Parkes (noon ay Premier ng NSW) ang selebrasyon ng ika-100 taong anibersayo noong 1888, tinanong ito kung mayroon ba siyang plano para sa mga Aboriginal people na maging bahagi ng Centenary events.

Sagot ni Parkes,  “At ipaalala na ninakawan natin sila? (And remind them that we have robbed them?)"-isang masakit pero makatotohanang pahayag. Isang bagay na hanggang ngayon ay hindi naiisip ng maraming politiko.
Statue of Henry Parkes in Centennial Park
Statue of Henry Parkes in Centennial Park, Sydney. (Centennial Parklands) Source: Centennial Parklands
Kasama sa kanyang kanyang plano ang pagbubukas ng , na kanyang inialay para makapagbigay saya sa mga tao sa NSW. Ipinagbawal ang mga Aboriginal people sa okasyon.  

4. Dapat mong malaman na isang mahalagang protesta ng Aboriginal people noong 1938 laban sa selebrasyon ng Australia Day ang tinawag na  'Day of Mourning'

Isang pagpupulong na sinundan ng tahimik na pagmamartsa at protesta ang nagkaisa na ipasa ang resolusyong na nagsasaad: "We, representing the Aborigines of Australia, assembled in conference at the Australian Hall, Sydney, on the 26th day of January, 1938, this being the 150th Anniversary of the Whiteman's seizure of our country, hereby make protest against the callous treatment of our people by the whitemen during the past 150 years, and we appeal to the Australian nation of today to make new laws for the education and care of Aborigines, we ask for a new policy which will raise our people to full citizen status and equality within the community."
Aborigines day of mourning, Sydney, 26 January 1938
Aborigines day of mourning, Sydney, 26 January 1938 (State Library of NSW) Source: State Library of NSW
Ang pagtawag na 'Invasion Day' ay naging tanyag sa mga protesta noong 1988. Ang unang 'Survival Day' concert ay ginanap noong 1992.

5. Sa ika-150 Anibersayo, sapilitang isinama ang mga Aboriginal people sa pagsasadula ng pagdating ng First Fleet sa bansa

Isa sa mga bahagi ng selebrasyon noong 1938 ang pagsasadula ng pagdaong at proklamasyon ni Captain Arthur Phillip. 

Ayon sa  website: 

Hindi pumayag ang mga Aboriginal people na nakatira sa Sydney na makilahok kaya dinala ng mga organiser ang mga lalaking Aboriginal mula Menindee, sa western NSW at ikinulong sila sa kwadra ng Redfern Police Barracks para gawin ang pagsasadula.

Pinatakbo sila sa dalampasigan sa pagdating ng mga British-isang di makatotohanang pagsasaad ng pangyayari. Makikita sa film footage ng pagsasadula na pinilit ang mga ito.
Mitchell Library, State Library of NSW – Home and Away 17955
Mitchell Library, State Library of NSW – Home and Away 17955 Source: Mitchell Library, State Library of NSW
6.  Ang Aboriginal Tent Embassy ay itinatag noong 26 January 1972

Noong 26 January 1972,  apat na kalalakihan mula sa First Nations (Michael Anderson, Billie Craigie, Bert Williams and Tony Coorey) ang naglagay ng beach umbrella sa damuhan sa harap Parliament House sa Canberra. 

Tinawag nila itong ‘Aboriginal Embassy’. Ang sit-in protest ay naging simbolo ng katotohanan na hindi kinikilala ng pamahalaan ang mga Indigenous Australians. Ayon kay Gary Foley, ‘aliens in our own land'. "So like other aliens, we needed an embassy."
Aboriginal Tent Embassy, 26 January, 1972
Aboriginal Tent Embassy, 26 January, 1972 (State Library of NSW) Source: State Library of NSW
7. Alam mo ba noong 26 January 1988, higit 40,000 tao ang nagmartsa sa Sydney. Pinakamarami ito mula anti-Vietnam War demonstrations noong 1970s

Nagsama-sama ang mga Aboriginal protesters at non-Aboriginal supporters na nagmartsa mula Redfern Park sa isang public rally sa Hyde Park at nagtungo sa  Sydney Harbour para markahan ang ika – 200 anibersaryo ng pananakop ng mga British.
Aboriginal protests on Sydney Harbour on Australia Day celebrations
Aboriginal protests on Sydney Harbour on Australia Day celebrations, 1988 Source: Wordpress


Sa isang dokumentaryo noong 2014 sa direksyon ni Adrian Russell Wills, siniyasat ang pambihira at kontrobersyal na pangyayari sa Bicentenary at Indigenous rights march sa Australia.

Tampok sa pelikulang 88, ang panahon na binalewala sa mga pambansang kaganapan ang boses ng mga Aboriginal at sa kasaysayan ng Australia.

Mapapanood ang 88 sa .   

 

8. May dapat kang malaman sa kanta ni Archie Roach noong 1988, 'Keep your handouts, give us back our land'

Isang sikat na awitin noong 2016 ng A.B.Original's ang naging kontrobersyal dahil sa mensahe nito na hindi pabor sa Australia . Pero marami na ang nagpoprostesta sa selebrasyong ito bago pa ang #ChangeTheDate campaign. 

Karamihan ng kanta ng Midnight Oil ay tungkol sa mga lupain ng Aboriginal people at hindi makataong pagtrato pero ang awitin ni Archie Roach na 'Keep your handouts give us back our land' ay isang malakas na mensahe ng pagkondena sa racism sa Australia at ang 1988 bicentennial celebrations.

Ang liriko ng kanta:

200 years is a long long time, 200 years we've been toeing the line but no more, we say no more, no we've got nothing to be happy for, no, no. What we need is our independence, something to keep for our descendants before it's too late, no there's nothing here for us in '88.

You might think that we already have too much, and you say the government has given us enough, but here's one you'll never understand: just keep your handouts, give us back our land.
9. Alam mo ba na hindi ipinagdiriwang ang Australia Day tuwing January 26 bilang public holiday sa lahat ng estado’t teritoryo hanggang 1994?

Kahit na ang 'Australia Day' ay ipinagdiriwang mula pa 1900s, Hindi kaagad naipatupad sa bansa na gawin itong official public holiday

10. Ang triple J Hottest 100 ay hindi laging sumasabay sa January 26

Matapos makatanggap ng pambabatikos dahil sa pagsabay ng kanilang sikat na music countdown sa Australia Day celebrations, ang petsa na sumisimbolo ng pananakop ng mga Europeo,  Hindi itunuloy ng radio station ang kanilang event sa pinagtatalunang araw noong 2017

"The Hottest 100 wasn't created as an Australia Day event” pahayag ng broadcaster, ginawa ang event para sa ipagbunyi ang mga paboritong awitin sa nagdaang taon.

Pahayag naman ng mga pro-Australia Day campaigners, hindi kumpleto ang  Australia Day kung wala ang kontribusyon ng istasyon.

Hindi ito ang unang pagkakataon na binago ang petsa ng Hottest 100. Ang pinaka unang poll at count down ay ginawa 5 March 1989 at hindi lagging sumasabay sa January 26 hanggang taong 1998.

Triple J poster, 1989
Triple J poster, 1989 (Australian Broadcasting Corporation) Source: ABC Australia
Dagdag kaalaman: Taong 2013 unang iwinagayway ng sabay ang Aboriginal flag at Australian flag sa Sydney Harbour Bridge para sa Australia Day

AKhit pormal nang kinilala noong 1995 bilang opisyal ng watawat ng Australia sa ilalim ng Flags Act 1953, ang Aboriginal flag ay hindi inilagay sa isa sa pinaka-kilalang landmark ng bansa hanggang  makalipas halos dalawampung taon.

Share
Published 25 January 2021 11:06am
Updated 25 January 2021 11:15am
Source: NITV


Share this with family and friends