1. Mga apo ni Rizal
Si Isaac Reyes ang apo sa talampakan ng pinakamatandang kapatid ni Jose Rizal na Saturnina Realonda Rizal. Si Isaac ay nanirahan sa Australia sa loob ng 27 taon. Ang kanyang pamilya ay nanirahan sa Mudgee, New South Wales, isang maliit na bayan 3.5 kilometro mula sa hilagang-kanluran ng Sydney.
Si Josephine Quintero ay ang apo sa tuhod ng bunsong kapatid ni Jose Rizal na si Soledad Rizal. Siya at ang kanyang pamilya ay nakatira sa Melbourne sa loob ng 38 taon.

Left to right: Isaac Reyes, Enrique and Helen Reyes, Adele Reyes Source: Supplied by Isaac Reyes
2. Order of the Knights of Rizal
Ang Knights of Rizal ay laganap na sa buong Pilipinas at sa buong mundo. Si Cesar Bartolome ay naatasang mamuno sa Knights of Rizal sa Australya, New Zealand at Oceania. Ito ay kinabibilangan ng mga sangay sa Sydney, Perth, Canberra, Western Sydney, at Auckland. Ang bawat sangay ay mayroong isang pinuno na tinatawag na Commander. Ang ganitong balangkas ng pamunuan ay magkakatulad sa lahat ng lugar at ginawang ganito upang maiparating ng buong dali at linaw ang pagpapalaganap ng buhay, mga panulat at kaisipan ng pambansang bayani, Dr. Jose P. Rizal tungkol sa pagmamahal sa inang bayan.

Knights of Rizal, Sydney Chapter Source: SBS Filipino
3. Rizal Park sa Rosemeadow,Campbelltown
Ang Rizal Park sa Campbelltown ay matatagpuan sa Rosemeadow, walong kilometro mula sa sentro ng lungsod ng Campbelltown. Ang tansong rebulto ay ginawa ng isang kilalang Pilipinong iskultor na si Eduardo Castrillo.
Ang iskultura ng monumento ay naglalarawan sa panahon na namalagi si Rizal sa Europa. Noong Oktubre 2012, ang rebulto ni Rizal ay inilunsad ng Pangulo ng Pilipinas na si Noynoy Aquino at ng NSW Premiere na si Barry O'Farrell.
4. Rizal Park sa Blacktown

Rizal statue in Rosemeadow Source: SBS Filipino/RManila
Ang parke ay matatagpuan sa Rooty Hill, 42 kilometro sa kanluran ng distrito ng Sydney. Ang ilang miyembro ng komunidad na pinangunahan ng mga kabalyerya ng Sydney Chapter Rizalian ay hinirang ang parke bilang site para sa kanilang proyekto na Clean Up Day Australia
5. Rizal Park sa Ballarat

Rizal Park in Blacktown Source: SBS Filipino/LTolentino
Ang parke ay matatagpuan sa labas ng lungsod ng Invermay sa Ballarat. Ito ay pinasinayaan noong Disyembre 12, 1999 at ang unang parke sa Australya na ipinangalan sa ating pambansang bayani.
6. Rebulto ni Rizal sa Ashfield
Ang iskultura ay matatagpuan sa kahabaan ng Parramatta Road sa Ashfield, kanluran ng Sydney. Ang solidong tansong rebulto ay nakalagay sa isang kongkretong pedestal. Ang plake ay inilunsad noong Hunyo 19,1988 bilang isang pagkilala sa Bicentenary ng Australya.

Rizal statue in Ashfield Source: SBS Filipino/RManila
Ang ilan sa mga naisulat ni Rizal ay makikita sa National Library of Australia kabilang na rito ang:
- Noli me tangere - Special offset reproduction ng orihinal na manuskrito ng The Jose Rizal National Centennial Commission.
- El filibusterismo - Special offset reproduction ng orihinal na manuskrito ng The Jose Rizal National Centennial Commission
- The complete poems and plays of José Rizal – isninalin ni Nick Joaquín, na may foreword and annotations ng tagasalin.
- Pakikipagsulatan sa kanyang mga magulang at mga kapatid - Lathala ng José Rizal National Centennial Commission.
7. Koleksyon na libro ni Dr Allan Terrett
Si Dr Allan Terrett, Knight Officer of Rizal ay may naitabing mga koleksyon ng libro kabilang na dito ang Noli Me Tangere, Rizal in our time, Jose Rizal's Immortal Legacy, Rizal and the Development of National Consciousness, Greed:The filibuster, Jose Rizal: Filipino Doctor and Patriot, Indio Bravo, at Rizal's Life, Works, and Writings.
8. Rizal Street sa Campbelltown

Dr Allan Terrett's collection of Rizal books Source: Supplied by Dr Allan Terrett
Noong Hunyo 2007, isang kalye sa Park Central, ang Campbelltown ay pinangalanan na Rizal Street.
9. Rebulto ni Rizal sa Philippine Consulate General
Sa lungsod ng Sydney, may isang hall na dedikado kay Dr. Jose Rizal, na tinatawag na "Bulwagang Rizal" sa Philippine Consulate General. Ang Konsulado ay may mga koleksyon na ibinigay ng mga miyembro ng komunidad ng Australya at Pilipino-Australian at mga ahensya ng gobyerno.

Rizal bust at Philippine Consulate Source: SBS Filipino/AViolata
10. Rebulto ni Rizal sa Plaza Ibero-American malapit sa Sydney Central Station
Ang Ibero-American Plaza ay mayroong serye ng mga rebulto ng mga bayani ng mga bansang Espanya at Portugal, kabilang din dito ang sa ating pambansang bayani, si Dr. Jose Rizal. Ang naturang lugar ay itinatag noong Pebrero 1989 at pormal na binuksan noong Setyembre 2007.